365 Hu-Goat Learned From Life

hu-goat

It is bit too early to write something like this when in fact I’m only living for only quarter and a year of a century. I have not yet accomplished something to be worth remembered for, but I knew I have done enough to be called a Human Being. I may have not yet experienced all of what life has to offer, but it happens that I just want to share something to you … May this compilation of 365 hu-goat learned from life, will bring smile to your face… why? Because kahit isa man lang jan…. I’m sure nakakarelate ka!

 

  • No parts of this compilation are plagiarize from any other authors property. If for some reason the idea may sound the same. I guarantee you; the words, the whole sentences and paragraphs are definitely products of my mind. Kundi ka pa rin maniwala, walang gamot sa pagdududa… problema mo na yan. Magsampa ka ng kaso sa Korte, ng malaman mo kung gaano kabagal ang takbong justice system natin dito sa bansa.
  • Your views and my views may not be the same, in fact we’re unique from each other. If somehow my views offended yours, you may discontinue any moment, and I don’t care, as long as I shared my nindo (beliefs in Japanese), I’m happy with it.

January

  1. Habang tumatanda ka at nagiging tao, malalaman mong hindi importante na grumadweyt ka with flying colors, hindi basehan kung nakapagtapos ka ng magandang kurso sa prestiheryosong unibersidad o kolehiyo. Ngunit hindi ko din naman sinasabing hindi importante ang makapag-aral ka at makatapos ng kolehiyo. Ang punto ko lang ay higit na mas importante yung diskarte mo kung paano mo gagamitin yung advantage o disadvantage mo para umasenso ka sa buhay.
  2. Kung naghahanap ka ng karelasyon. Wag na wag mong pipiliin ang taong nasa kanya ang mga criteria na hinahanap mo. Sa halip, piliin mo yung taong labas sa criteria mo. Bakit kamo? Kasi mas masarap magmahal ng may thrill kesa magmahal ng naaayon sa standards mo.
  3. Noong nag-aaral pa ako, nauso ung tanong na “Sinong pipiliin mo, yung taong mahal mo pero hindi ka mahal, o yung taong mahal ka pero hindi mo mahal?Dati, napakadali lang ng sagot ko jan. Syempre dun ako sa taong mahal ako kahit hindi ako mahal…. WOW!!! May pagka- martyr pala ako…Subalit ngayon, napaisip ako at tila ata umiba ang daloy ng dugo sa utak ko.  Parang mas madaling piliin yung pangalawa, yun bang mahal ka pero hindi mo mahal (given the fact na kahi tpaano, kahit onti, kahit hindi ganon karami may dating rin siya sayo, subalit nagkataong hindi nga lang siya ang dahilan ng pagrerebeldeng puso mo) bakit kamo?Dahil, tila mas madaling turuan ang puso mo na mahalin ang isang taong mahal ka kahit hindi mo mahal, kesa ipaintindi sa utak mo na kahit anong gawin mo wala kang spark sa taong mahal mo.Lesson learned…Love nurtures and matures in time, you may not love that person today but later on when both of you are with each other, you will notice and will just say to yourself “How heck I am to not love this person who loves me more than myself.” Just give her/him the chance.
  4. 25 years old na ako ng matuklasan ko ang tinatawag nilang UITF o Unit Investment Trust Fund. Ayon kay BDO Unit Investment Trust Funds (UITFs) are ready-made investments that allow the pooling of funds from different investors with similar investment objectives.  These funds are managed by professional fund managers and are invested in various financial instruments such as money market securities, bonds and equities, which are normally available to bigger investors only. In short Mag iinvest ka ng pera, para lumago ito at magamit mong puhunan in the future or for retirement purposes. But may risk syempre, may tendency na bumagsak ang value ng pera mo kapag bumagsak ang ekonomiya…But the earlier you invest the higher your yield.Kung sana nung nag-aaral palang ako natuklasan ko na iyan, edi sana may 100-200k na ako ngayon.Lesson learned…Teach our youth to invest for their future, teach them to value money because the schools will never teach them on how to invest.
  5. Kung makikipagrelasyon ka at makakapili ka rin naman(swerte mo), piliin mo iyong taong simple lang. Yung nasa gitna lang, yung tao lang. Huwag kang pipili ng parang anak ng diyos na nasa kanya na ang lahat lalo na kung tao ka lang din naman… bakit? Simple lang…For your own PEACE of MIND.
  6. Sa relasyon, hindi ako naniniwala sa sinasabing ang tinapong basura ni Juan ay pinupulot ni Pedro, at si Pedro ay isang garbage collector… dahil naniniwala ako na walang babaeng basura..nagkataon lang na hindi kaya ni juan gawing ginto ang tinapon nyang bato.
  7. Ipunla mo sa utak mo na unfair ang buhay, hindi lahat ng bagay na gusto mo ay mapapasaiyo at hindi lahat ng tao sasang-ayon sa gusto mo. Makakaranas ka ng mga problema na minsan mapapaisip ka kung kaya mo pa ba. Subalit wag mo din kakalimutan kung paano ang isang simpleng bakal ay nagiging matalas at magandang espada.
  8. Matuto kang magpasalamat sa mga ex mo. Huwag kang habang buhay maging bitter. Dahil sa kanila kaya ka nag-eevolve at unti-unting nagiging tao.
  9. Kung magmamahal ka rin naman, ibigay mo ung 100% mo. (hindi 120% wag kang OA walang ganon) Bakit? Kasi kapag ibinigay mo ang lahat, at dumating ang oras na hindi man maging kayo sa huli, alam mong, hindi ka nagkulang at lahat ng bagay ay hindi mo pinagsisisihan.
  10. Nalaman kong mas romantic ang salitang “I’m sorry” kesa “I Love you” Bakit? Kasi sa isang relasyon halos araw-araw, binibigkas mo ang salitang “I love you” sa mahal mo with matching hug pa, subalit ang “I’m sorry” ay sinasabi mo lang kapag naka-gawa ka ng pagkakamali at gusto mong magkaayos kayo dahil ayaw mong mawala siya sayo, with matching luha pa….
  11. Ilang linggo bago matapos ang palabas na Forevermore ni Xander at Agnes sinimulan ko siyang subaybayan, pati samga networking sites. May mga nababasa akong comment na “wala daw forever”, yung iba naman sabi meron daw…. Nakakatawa ang mga tao, malalaman mo sa mga comments nila kung may problema ba sila sa pag-ibig. I therefore conclude na meron lamang dalawang uri ng tao:  Ang naniniwala sa FOREVER dahil kasama nila angmahal nila… at BITTER sa FOREVER dahil wala sa piling nila ang inaasam nilang ka-Forever…
  12. Sabi nila kapag mag-cecelebrate daw ng New Year dapat tumatalon ka upang tumangkad, magsuot ng polka dots simbolo daw ng pera, at mag-ingay para umalis ang malas sabahay. Ang sabi ko naman, kelan pa nag-patangkad ang pagtalon sa New Year? Samantalang kasalanan ng DNA mo kung bakit hanggang dyan lang talaga ang height mo. Bakit ako magsusuot ng polka dots, ayoko ng barya, gusto ko papel, at kelan pa naimbyerna ang malas sa ingay? Samantalang sabi nga ng matatanda, “psst wag kayong maingay malas yan.”
  13. Ang paggawa ng new year’s resolution ang isa sa mga bagay na hindi ko pinaniniwalaan at kinaiinisan nung nag-aaral pa ako. Bakit? Kung talagang gusto mong magbago, at may gawing mabuti sa buhay mo bakit mo pa kailangang isulat ito sapapel? Naniniwala ako na ang taong seryoso, sa puso at utak inuukit ang hangad na pagbabago at hindi sa isang kapirasong papel.
  14. Sabi ng isang single sa may in-a-relationship: minsan subukan mo naman maging single ng malaman mo kung paano mahalin ang sarili mo.
  15. Hindi masamang gumastos ka para sa sarili mo lalo na at pinagtrabahuan at pinaghirapan mo ito.. pero wag kang mag asal one day millionaire.. dahil tandaan mo empleyado ka lang at hindi ka anak ng may ari ng pinapasukan mo.
  16. Hindi ko alam kung tama ba na kahit nasasaktan ka na o nahihirapan panatilihin mong masaya at nakangiti sa harap ng mga tao… hindi ko alam kung katapangan ba iyon o sadyang pinaplastik mo lang ang sarili mo na nagfifeeling ok ka kahit masakit na masakit na.
  17. Kung desidido kang gawin ang isang bagay subukan mong simulan ito ngayon at huwag ng ipagpabukas pa.. number 1 na sakit ng tao habang nag eevolve ay ang pagiging makakalimutin.
  18. Natutunan ko sa mga love story na likhang Pilipino na sa kabila ng lahat ng pagsubok ang ending sila pa rin ang nagkakatuluyan… kaya pala hanggang ngayon bulag pa rin ang kabataan sa katotohanang hindi lahat ng pinili mong istorya ay happy ending minsan sad story, nasasayo nalang kung papaano mo ito tatanggapin.
  19. Kapag nagmamahal ka, masakit marinig mula sa minamahal mo ang salitang “ayoko sayo” o “hindi kita gusto” pero may mas sasakit pa pala dun… yung pag sinabi nyang “hanggang mag-kaibigan lang tayo.”
  20. Bakit ang tao gusto laging nasasaktan? Yung tipong wala na kayo pero patuloy ang parin ang pag-view mo sa FB nya at makikita mo may kasama na syang iba. Yung tipong hindi naman kayo pero stalker ka ng FB nya at makikita mong masaya siya sa piling ng iba.Tapos mag-eemote ka sasabihin mong ayoko na ang sakit na… wala bang gamot sa pagiging tanga?
  21. Hindi porket hindi ka gusto ng mahal mo eh pangit ka. Wag mong kalilimutan walang pinanganak na pangit, bawat tao ay may kanya kanyang preference lang at nagkataong hindi ikaw ang trip nya.
  22. Malalaman mo lang na nakakasakit ang karayom kapag natusok ka. Meaning,  ang tao natututo kapag nasasaktan.. kahit ilang beses mong ipaintindi na masakit matusok ng karayom hindi nya maiintindihan hanggat hindi sya ang nakaramdam.
  23. Conversation with Ex. (FB Message)Ex: Hi musta ka na? Me: (tanga ka ba? Matapos mo ko iwan magtanong ka) Eto, ok lang. Ex: Ahh. Ako rin OK naman na ako., Happy na ako sa kung anong meron tayo, sana happy ka na rin sa amin. May nagpapasaya na ba sayo? Me: (So kaya ka nag-messsage sa akin para ipaglandakan pa na pinagpalit mo ko) Ahh, wala single ako ngayon. Ex:  Bakit naman? Sorry ahh. Me: Sorry para saan? Dahil iniwan mo ako? Don’t worry hindi ako single dahil bitter ako at hindi maka-move on, single ako dahil naantay ko yung TAMANG tao na papalit sayo.
  24. It is hard to become friends with your ex… Oo, naman lalo na kung iniwan ka dahil pinagpalit ka sa iba. Pero the good thing is maipapakita mo sa kanya ng harapan kung paano ka mag eevolve at magiging tao.
  25. Sabi nila pag gusto mo ang isang tao dahil sa type mo mukha niya it is called ATTRACTION. Kapag gusto mo dahil sa maganda katawan nya LUST ang tawag jan. Kapag gusto mo dahil matalino siya, ADMIRATION naman yan.  LOVE daw ang tawag pag hindi mo alam kung bakit mo siya gusto.  Mali… Love ang tawag pag involve ang tatlong yan. Dahil walang tao ang nagmamahal ng hindi alam.. hindi basta basta magwawala ang puso mo ng walang dahilan.
  26. May 24 oras sa isang araw, pitong araw sa isang linggo at apat na linggo sa isang buwan.. ang pinagtataka ko kung bakit walang AKO sa puso mo?
  27. Totoo ba yung sabi nila? Hindi ka daw naniniwala na may forever.. ahem try mo kaya akong mahalin ng malaman mo na talagang may forever.
  28. Kung sa tingin mo puro kapalpakan ang mga nagagawa mo.. isipin mo nalang na ginagawa mo lang ito dahil iyan ang nakalagay sa script na binigay sayo…Malay mo sa ibang dimension tumama ka naman sa ginagawa mo… The beauty of parallel universe.
  29. Gusto kitang alagaan kaso hindi pwede. Gusto kitang pasayahin kaso may ibang nagpapasaya sayo. Gusto kitang protektahan kaso hindi ako ang knight in shining armor mo. Gusto kitang mahalin kahit na alam kong may ibang nagmamahal sau. Gusto kong maging bayani sa buhay mo kahit alam kong hindi ako ang superhero sa kwento mo.
  30. Kahit anong pagpapa-cute ang gawin mo, maging clown ka man para lang mapasaya mo siya, o tumawid ka sa alambre o magperform ka man ng magic trick sa harap nya.. kung hindi ka nya trip.. di ka nya trip. Period!!!
  31. Sa isang relasyon, wag ka maging kampante… hindi porket mahaba haba na ang inyong pinagsamahan, hindi porket marami na kayong moments na magkasama, at hindi porket may tiwala kayo sa isa’t isa, ehh forever na kayong dalawa. Huwag mong kakalimutan sa bawat istorya nagkalat ang kontrabida.. Tao ka lang, tao lang din siya, at pwede kayong maakit sa iba.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.