21 Thoughts While Watching ‘I Love You, Hater’

I Love You, Hater's poster

(Katulad ng viral Minsan Okay Lang Ma-traffic blogs na “21 Thoughts While Watching ‘100 Tula Para Kay Stella'”, “21 Thoughts While Watching ‘Siargao'”, “30 Thoughts While Watching ‘Kita Kita'”, at iba pa, hindi ‘to spoiler kung ‘di parang trailer na ipinamalas sa porma ng mga hugot – maaaring totoong nasa pelikula at maaari rin simbolismo lamang – at malalaman lamang ninyo kung bakit ko naisip ang bawat isa kung panonoorin ninyo ang pelikula.)

#1 Lahat tayo mayroong “jacket” na isinusuot natin para balutin ang nilalamig nating puso — hindi para mawala ang ginaw sa atin, kung hindi dahil ayaw nating makita ng mga taong nagmamahal sa atin na tayo ay nilalamig.

#2 Ilalabas at ilalabas ng buhay kung ano ang totoo. Bakit hindi na lang ikaw ang maglabas ng totoo sa iyo?

#3 Sa dami ng nagmamahal sa iyo, hindi ka pa rin magiging masaya kung ni hindi ka man lang maalala ng taong tunay na pinahahalagahan mo higit sa lahat.

#4 Hindi ko alam kung saan ka kumukuha ng pagmamahal na ibinibigay mo sa mundo gayong hindi mo makuha-kuha ang pagmamahal na hinahangad mo.

Image by Love Hands Wallpapers

#5 Indak. Minsan kailangan mo lang isayaw ang mga bagay na nagpapaayaw sa iyo.

#6 Minsan kailangan mo munang maloko para matagpuan ang taong magpapasaya sa iyo nang totoo.

#7 Pinakamahirap tingnan iyong kung paano ibinibigay sa iba ang pagmamahal na dapat sana ay sa iyo.

#8 Minsan, kung sino pa ang pumanaw ay siya pa ang nananatiling buhay sa puso ng isang tao—hindi ang taong naiwan sa piling niya.

#9 Pareho lang simula ng “Besh” at “Beb” pero magkaibang-magkaiba ang hangganan ng mga ito.

#10 Niloko tayo ng trailer. Hindi pala ito masaya; hindi pala ito magaan lang. Ang lungkot pala. Ang bigat pala.

#11 Ilang maskara pa ang isusuot mo?

Closet Queen (Photo Credit : Dianedooley.wordpress)
Closet Queen (Photo Credit : Dianedooley.wordpress)

#12 Nakakakilig ang Joshlia. (Repeat until fade) Hahaha! (Well, given naman na ang chemistry nila, pati ang husay sa pag-arte. Huhu)

#13 Hindi lahat ng hindi mo pa nasusubukan ay dapat mong maranasan.

#14 Minsan, alam mo naman na hindi mo siya puwedeng mahalin; na masasaktan ka lang, na ikaw ang magagapi at maiiwang luhaan. Pero hahayaan mo pa rin ang sarili mo. Bahala na, gagamutin mo na lang ang sugat na dadalhin nito sa hinaharap.

#15 Mas mayaman pa rin ang taong kuntento.

#16 Ang tahanan ay tahanan—gaano ka man kalayo maglakbay, gaano ka man kataas lumipad, gaano man kalakas ang iyong maging pagbagsak.

#17 Hindi palaging istruktura ang tahanan. Naroroon ito sa kung saan naroon ang totoong ikaw.

#18 Huwag kang magdala ng panyo, magdala ka ng balde para sa iluluha mo sa eksena nina Kris Aquino at Ronaldo Valdez (ang may Alzheimer’s Disease na ama ng karakter ni Kris).

#19 Ang pagpapatawad ay hindi madaling ibigay pero kapag nagawa mo ay sarili mo rin ang iyong pinagbibigyan—pinagbibigyan para lumigaya at lumaya.

forgiveness photo
Photo by RLJ Photography NYC

#20 Minsan, hinahayaan natin ang ating sarili na mabilanggo dahil sa kasalanan ng iba—iyong ikaw ang ginawan ng mali pero ikaw ang naparurusahan dahil araw-araw mong pasan ang pait at galit mo sa kanyang nagawa.

#21 Parang isang lata ng “assorted biscuits” pala ang pelikulang ito. May matamis, may mapait, may masaya, may malungkot, may nakakainis, may humahaplos, may tungkol sa katapatan, may tungkol sa sakit, may tungkol sa pamilya, may tungkol sa kababaang loob, at marami pang iba.

About Charina Clarisse Echaluce

Charina Clarisse Echaluce is a former Manila Bulletin reporter, a passionate literary writer, and a resource speaker. She had her first novel published at Balita newspaper, from 2013 to 2014. She is the owner of Minsan Okay Lang Ma-traffic Facebook page (http://facebook.com/minsanokaylangmatraffic2016) and the author of Minsan Okay Lang Ma-traffic book. Other pages: http://minsanokaylangmatraffic.wordpress.com/ http://www.wattpad.com/user/CINDErainLLA http://twitter.com/OKLangMatraffic http://instagram.com/trafficinwords2016