2018 Bar exam topnotchers sa iisang larawan, bihira mangyari

Photo from Marcley Augustus Natu-el via Facebook

“God works wonders now and then: Behold! A lawyer and an honest man!”- Benjamin Franklin

Nitong nakaraan lamang, ginanap ang oath taking ng mga bagong abogado na nakapasa sa 2018 Bar Examinations.

Photo from Tanya Ibañez via Facebook 

Ang oathtaking ay ginanap sa Philippine International Convention Center sa may Pasay City.

Bukod sa mga pinagmamalaking mga nakapasang abugado, isang larawan ang pumukaw sa atensyon ng maraming mga taga-media.

Napapaloob sa larawang ito ang 10 topnotchers ng 2018 Bar Examination, na bihira lamang mangyari.

Ang larawang ito ay mula kay Marcley Augustus Natu-el, ang pumangalawa sa Bar Exam at mula sa University of San Carlos.

Habang nasa oathtaking, tinanong umano ni Natu-el ang mga kapuwa niya topnotchers kung maaari silang kumuha ng isang group photo bilang pag-alaala sa isa sa pinakamahalagang pangyayari sa kanilang buhay.

Sa kaniyang Facebook account, nilagyan ni Natu-el ang larawan
ng caption na:

Finally got to see these guys in person. We used to be just 2×2 pictures on a piece of paper. Bar Exam 2018 topnotchers, complete from 1 to 10

Photo from Marcley Augustus Natu-el via Facebook

Sa dulo ng Facebook post ay nilagyan pa niya ito ng hashtag na #hashtaggeneration

Kuwento pa ni Natu-el, masaya raw na nag-usap usap ang mga topnotchers at naging malapit na rin umano sila sa isa’t isa.

“Everyone was really friendly. We had a lot of time to talk and get to know each other before the program started. I’d like to say that we all immediately became friends.”

Narito ang listahan ng mga pangalan ng nasa Top 10 ng Bar Examination:

Ginanap noong nakaraang taon ang ikaw-117 Bar Examination; isa sa mga prestihiyosong professional licensure exam sa bansa.

Mahigit 8,155 law graduates ang sumabak sa Bar Exam na ginanap noong Nobyembre sa University of Sto. Thomas sa Espana, Manila.

Ang mga kumuha ng pagsusulit ay inatasang sagutan ang mga open-ended na mga katanungan na maingat na pinag-aralan at pinili ng komite.

Ang mga katanungan sa pagsusulit ay binuo upang masubukan ang analytical na kakayahan at pag-iisip ng mga law graduates.

Sinubok din ng Bar Exam ang kanilang kakayahan at kapasidad sa pagpapahayag ng written argument at pag-unawa sa mga pangunahing prinsipyo ng batas at jurisprudence.

Ang napapaloob na paksa ng pagsusulit ay ang mga sumusunod: Political Law and Public International Law, Labor and Social Legislation, Civil Law, Taxation, Mercantile Law, Criminal Law, Remedial law and Legal and Judicial Ethics.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.