2 beses na pag-inom ng kape kada araw nakahahaba ng buhay, ayon sa pag-aaral

Image from Freepik

Isa ka rin ba sa mga may motto araw-araw na #CoffeeIsLife? Kulang na lang ay mag-palpitate sa sobrang pagmamahal sa kape?

Likas sa ating mga Filipino ang pagiging fan ng kape, mapa 3-in-1 pa yan, Starbucks, Kape Barako, o iyong mga nabibili sa coffee vending machine.

Para sa mga coffee lovers, isang magandang news ang inilahad ng isang pag-aaral tungkol sa pag-inom ng kape.

Image from Freepik

Ayon sa research na isinagawa ng European Journal of Epidemiology, ang pag-inom ng dalawang baso ng kape kada araw ay nagpapahaba umano ng life expectancy ng isang tao ng hanggang dalawang taon.

Ang research na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng masusing pagtingin sa mga nakaraang pag-aaral tungkol sa mga benepisyo na naidudulot ng kape sa ating katawan.

Natuklasan ng mga researchers na ang mga taong may katamtaman na pagkonsumo ng kape, dalawang beses kada araw, ay may mas mahabang buhay kumpara sa mga taong hindi umiinom ng kape.

Natuklasan din sa pag-aaral na ang pag-inom ng kape ay nagpapababa ng risk sa pagdevelop ng mga malalang sakit.

Isinagawa ang pag-aaral upang matukoy ang link sa pagitan ng kape at mortality, at lumabas na mas malaki ang link ng dalawa sa mga Asian country kabilang na ang Pilipinas.

Hindi lamang ito ang unang pag-aaral na nagpahayag ng magandang resulta ukol sa pag-inom ng kape.

Image from Freepik

Sa nakaraang pag-aaral at pagsusuri na nailathala ng Annals of Internal Medicine, natuklasan na ang pag-inom ng kape kasabay ng pagbabago ng lifestyle tulad ng pagkakaroon ng diet at pagtigil sa paninigarily0 ay nakapagpapahaba rin ng buhay kumpara sa mga hindi talaga umiinom ng kape.

Mahalagang malaman na ang naging resulta ng pag-aaral na ito ay katulad rin sa mga pag-aaral na isinagawa sa sampung European countries na may iba’t ibang kultura at gawi ukol sa pag-inom ng kape.

Binuksan din ng pag-aaral na ito ang ibang posibleng mekanismo para sa hindi pa natutuklasang benepisyo ng kape sa kalusugan.

Ganito man ang naging resulta ng pag-aaral, mahalagang isa-isip na maging balanse sa anumang kinakain at iniinom; ika nga nila, “drink moderately.”