12 LITTLE THINGS

12 Things (Photo Credit : Goodlife4less.blogspot)
12 Things (Photo Credit : Goodlife4less.blogspot)

Noong naglilibot ako sa files ng PC namin ay may MS Office Document akong nahapyawan ng basa. Isa yung Book Report na alam kong hindi sa akin. Hindi din s’ya yung mga thesis o kung anu-anong kina-copy ko mula sa mga naka DL na file sa ibang computer shop na kinukuha ko kung mapakikinabangan. Basta, ang masasabi ko lang, Book Report siya. Dahil nga doon ay naisipan ko na magsulat ng isang bagay tungkol dun.

Actually, matagal nang nakaburo ang posibleng maging blog na ‘to sa isa sa mga

12 Things   (Photo Credit :  Goodlife4less.blogspot)
12 Things (Photo Credit : Goodlife4less.blogspot)

notebook ko. Tinamad lang talaga ako noon na parang ayoko nang ituloy kaya yun nga ang nangyari. Ngayon, mukhang binubulungan ako ng pagkakataon kaya nga siguro binabasa mo ang panimulang ‘to.

Nag GM kasi kakosang makumi na kulong din sa dimensyon ng pagsusulat. Gabi ‘yun, napanood daw n’ya kasi sa YouTube ang isang video na kinainisan n’ya. Benteng dahilan para ayawan ang Pilipnas. Nasira daw ang maganda n’yang mood kaya naisip ko na mukhang magandang ilabas ‘tong blog na ‘to.

Sa totoo lang, kinahapunan nung mismong araw na nag GM siya ay nakita ko nang naka-link sa ilang Facebook Pages ang video ng dayuhang ‘yon. Hindi ko talaga pinanood. Balak ko din namang panoorin yun in some future time. Medyo sawa na rin kasi ako sa mga hate speech o anumang tirade ng ibang bansa sa Pinas. Hindi naman ibig sabihin nito na wala akong pakialam sa mga sinasabi ng iba. Yun nga lang, sa sobrang tipikal at laganap ng mga banatan nilang negatibo, nakasasawa na.

Tapos, yung ilang Pilipino, garapalan naman ang pagko-komento. Parang between life and death ang isyu, mas gusto nilang ipagbunganga sa iba kesa sa ibuhos sa tissue. Hindi naman ako nagpapaka-ipokrito. Syempre, maiinis din ako kung ganoon. Natural naman siguro sa lahat ng lahi sa mundo ang magalit kapag inaaglahi ang kanilang lipi.

Pero hindi ko kailangang ipagkalat sa iba na nabadtip ako sa ganoon. Oo, nakakainis, pero alalahanin natin ulit ang sinasabing “Law of Karma.” Kung talagang masama ang ibinigay nilang kritisismo sa bansa, sa kanila naman yun e. Parang ganto lang din ‘yan e: Tingnan mo yung ilang kumontra sa Kristyanismo o yung mga hindi naniniwala sa Diyos at nambabastos pa sa paniniwala o sa pinaniniwalaan ng iba, mas nauna pang namatay kesa sa lolo’t lola mo.

Uulitin natin, mag-isip bago gumawa ng hakbang. Yun lang naman e. Wag OA mag-react. Sabi pa nung iba sa video na yun, Sad but true. Kaya nga sinabing Truth Hurts e. Lahat naman may negative part. Masyado lang kasi tayong masipag tumingin sa negatibo.

Naalala ko yung teacher ko sa TLE nung Grade 6 ako sa Elementary (s’yempre, alangan namang sa high school.) Kumuha siya ng blangko at malinis na bond paper. Una niyang ginawa ay kumuha ng marker at tinuldukan ang gitna ng blangkong papel at iniharap sa klase. Ang tanong n’ya, “Anong una n’yong napansin?”

S’yempre, kahit naman ikaw, ang unang mapapansin e, yung itim na tinta sa gitna. Metapora ng isang tao ang ginawa ng teacher namin na ‘yun. Ang kamalian ang unang kapansin-pansin sa tao. Nawawala na sa paningin yung kabutihan kahit na gaano kalaki yun.

Pangalawa naman ay kumuha s’ya ng bagong papel at ipinakita ulit sa amin. Kinulamos n’ya yun at pagkatapos ay binuklat ulit, pinakita sa’min at pinilit na gawing makinis ulit tulad ng bago, pero syempre, kalokohan kung maibabalik yun sa orihinal na pagka-straight na walang bahid ng kusot. Ganun din raw ang tiwala o trust ng isang tao. Hindi ‘to yung trust na nabibili sa botika. Ito yung trust na tiwala.

Kahit anong gawin mo, hindi mo na mababalik yung tiwala ng tao na katulad nung dati bago mo pa man masira. Ang pilosopiya pa ng iba, kung nagawa n’ya nga ng isang beses, ano pa kaya kung sa pangalawang beses. Pero kung ako lang, mali naman yatang batayan ang pagkatao ng isang tao sa isang pagkakamali lang. Dapat ay marunong tayong magbigay ng pangalawang pagkakataon. Syempre kasi, konsensya natin yun at parang sa pagpapatawad lang yan. Mali naman na laging sabihing “Ang Diyos nga nagpapatawad, tao pa kaya?” May hangganan ang lahat at pag dumating na sa kasukdulan, wala ka nang magagawa.

Medyo nahabaan ko ang panimula kaya eto na, tungkol sa mga bagay na pwedeng magawa ng Pilipino para sa bansa n’ya ang pag-uusapan natin. Kahit sabihin pa ng iba na malabong mangyari, wala akong balak kontrahin sila. Paniniwala nila yun, bahala na sila sa buhay nila.

Dapat sana ay ukol sa ibang bagay ang topic natin ngayon, pero naisip ko na mas maganda ‘tong isulat. Nililinaw ko, hindi ko ‘to inilabas para kontrahin ang video na sinabi ko kani-kanina lang. Inilabas ko ‘to para may mabasa ka at para na rin sa ilang indibidwal na sumusubaybay sa blog na ‘to.

Nga pala, kung hindi naman makakaabala nang malakihan sa’yo ay i-follow mo naman ang blog na ‘to. Madali lang ang gumawa ng account. Actually, mas matagal pa nga ang igugugol mo sa pagbabasa ng laman ng blog na ‘to kesa sa paggawa ng blog na ‘to. Inaasahan ko na madadagdagan ang follower ko sa susunod na pagpunta ko sa blog account ko. Salamat!

Ang tinutukoy ko kanina na Book Review na nabasa ko ay Review sa librong “12 Little Thing Every Filipino Can Do To Help Our Country” na isinulat ni Alexander Lacson. Umani ng napakaraming bunga ng positibong kritisismo ang isinulat n’ya. Syempre hindi mawawala ang mga negatibong komento at inulan din sya ng mga ganun sa iba’t ibang internet portals.

“Love of neighbor, God’s second highest commandment is contained in each of these 12 little things.” Isang quotation na nanggaling sa mismong librong tinutukoy ko. Mula sa mismong pamagat, sinasabing may labindalawang maliliit na bagay ang pwedeng magawa ng mga Pilipino para makatulong sa Pilipinas. Ngayon ay iisa-isahin natin ang labindalawang bagay na maaari nating gawin para makatulong sa ating sariling bansa. Umpisahan na natin.

1. “Follow traffic rules. Follow the laws.”
Kailangan nating sundin ang isa sa mga pinakasimpleng batas sa lahat na gawa ng tao—ang batas-trapiko. Kung iisipin, ang mga kalsada ng Metro Manila ay isang metapora ng katayuan ng ating bansa—lalong-lalo na ang EDSA. Mabagal at halos hindi umuusad. Kaya siguro na-elibs ang ilan sa kampanya ni PNoy na “Walang Wang-Wang.” Nakakabadtrip nga namang naiipit ka na sa pagkahaba-haba at pagkatagal-tagal na trapik at biglang may sisingit na nakawangwang at umaastang hari ng kalsada.

Hindi dapat isipin ng mga drayber na nagda-drive sila sa “DaangHari.” Ang mga sasakyan nila ay masarap lagyan ng isang toneladang “Goodbye Universe” at pasabugin. Marami pang maiku-kwento si Lourd de Veyra sa blog entry n’yang “Wala ngang wangwang, meron namang…” Pindutin mo ang link ‘pag natapos mo na basahin ang blog na ‘to, wag kang mag-alala, hindi yan panggulat na site.

Ang sumunod sa batas ay isang bagay na alam kong hindi nai-implement sa lahat ng tao o Pilipino. Naalala ko ‘yung professor namin ngayon sa Filipino na nagsabing hindi daw dapat kailangan ng kulungan. Dapat daw kung ano ang ginamit sa krimeng ginawa ng suspek ay putulin. Halimbawa, nagnakaw, ang puputulin ay ‘yung kamay, at kung nang-rape naman, alam na yan. Magandang ideya nga yata ‘yun pero s’yempre nasa demokrasya tayong bansa kaya kahit na gustuhin ko pa, hindi pwede dahil maraming magre-reklamo.

Law-Breaker daw kasi ang mga Pilipino. Sabi yan ng ilan. Marami naman talagang hindi sumusunod sa batas, dahil kung hindi, bakit napupuno ang mga kulungan? May ilan namang nagkakasala sa iba’t ibang dahilan pero alam ko na alam nila na bago sila sumuway sa batas, mali ang gagawin nila at possible silang maparusahan. Ayon kay Baron Buchukoy ng PinoyMonkeyPride sa Youtube, magkaiba ang Filipino/Pilipino at ang salitang Pinoy.

Balik tayo sa pagiging Law-Breaker ng Pinoy. Medyo naniniwala ako dahil marami ang pinagbabawalan pero sumusuway pa rin. Meron pang iba na ipinagyayabang pa ang ginawang pagsuway sa tama o sa batas.

P’re, bawal yata tumawid d’yan e. May karatula o.”
“Hindi yan. Sus, ako nga laging tumatawid d’yan, hindi ako nahuhuli. Tawid na!”

Kitams, ganyan ka din di’ba? S’yempre minsan, ako din. Ang pinagkaiba nga lang sa mga tumatawid kahit bawal, may mga estudyante na pinagyayabang ang mali nila. Pero most common sa mga estudyante ay ipagyayabang nila na nakapangdaya sila sa isang pagsusulit kahit may teacher o kahit may proctor pa. Pwede rin na sabihin nila na lagi silang nagka-cutting classes o absent sila lagi sa ilang subject, pero nagkaka-grade pa sila nang matino na kung ibabatay sa performance nila ay halatang nanghula lang ng grade ang teacher. “Face the music” ika nga. ‘Yun ay isang bagay na mahirap baguhin sa Pilipino. Pero kung gusto mo talagang makatulong sa Pilipinas. Pipilitin mong magbago. Sumunod sa batas.

[ PART 2? CLICK THE LINK OR COPY AND PASTE ON YOUR BROWSER : http://ninthrapper.blogspot.com/2012/03/12-little-things-pt2.html ]

author:  –ninthrapper

p.e./mj

About orrr