10 WAYS TO STAY MARRIED: The Lighter Side of Love

couple-happy-250px
(Photo credit:seniorjournal.com)

“Maraming paraan para sa taong may ipinaglalaban.” – md14

ANG PAG-AASAWA ay hindi naman laging nangangahulugan na puro away at problema. Oo, alam natin na maraming pagsubok na pagdadaanan ang mag-asawa. Kahit pa anong klaseng buhay meron ka pa noong bago ka ikasal , wala naman talagang nakahanda para dito at wala ding school for perfect marriage na magse-save sa inyo. Pero dahil nandiyan na kayong dalawa, just try to do your best  to make the marriage work despite the challenges that go with the relationship.

NARITO ANG ILANG HELPFUL TIPS PARA MAPAGAAN ANG BUHAY MAY-ASAWA:

.

1. SUPER LOL MOMENTS –  Panatilihin ang pagkakaroon ng funloving moments. Hindi naman yung 24/7 mong gagawin yan.  Hal. Mag-joke  sa isa’t isa paminsan-minsan , magkulitan na parang bata at magkilitian kayo hanggang sa di kayo makahinga (basta lagi lang i-ready ang oxygen tank o defibrillator in case ha) ? Kung naubusan na kayo ng jokes, manood na lang ng mga comedy series ng magkasama. Makipaglaro sa mga anak at kung sila ay nag-asawa na aliwin na lang ang mga apo. Magandang pang-divert ng attention sa mga problema, healthy na sa puso nakakabata pa pag laging nakatawa diba?

2. SHARING ROMANTIC MOMENTS –  Daanin sa mga loving gestures and affectionate ways ang inyong relasyon.  Hagurin ang likod ni mister habang nanood ng tv o hawakan sa binti kung nakaupo. –  ito ay simpleng gestures na nagsasabi sa kanyang “ I am always by your side .”  Syempre nandiyan din ang hugging  o cuddling na naglalabas ng positive at feel good chemical sa katawan na tinatawag na “ oxytocin”. Sharing a plate or food when eating. Walking side by side ng naka holding hands kung namamasyal o kahit sa loob lang ng bahay (why not?) o slight PDA pwede din wag lang sobra dahil baka masabihan kayo ng mga bata ng “ Please dad,  get a room.” Mas mabuti ang epekto nito sa mga bata na gayahin ang mga ganitong ugali ng kanilang parents kung sila ay magkaroon na  ng sariling asawa.

Maaaring sabihin ng iba na corny or too mushy at nakaka-eewww, but if you will really think about it, you do all the crazy things when you are in love.  Naging mushy rin naman kayong dalawa even before the marriage diba?  So,why change now?

3COMMUNICATION – Always give time to talk personally – either a call or text through phone, Skype , Viber, o ,WhatsApp, Face time. Pwede ding magpadala ng mga voice mail messages. Ang komunikasyon  ang isa sa pinakaimportanteng ingredient ng isang relasyon. Dahil sa makabagong teknolohiya wala nang dahilan para sabihing hindi ka maka-text o makatawag especially sa mga long distance marriages.  Ang downside lang nito kadalasan  ay ang no signal, no wifi connection , no load o low batt .  Maglagay din ng mga small  i love you notes  sa mga gamit ng asawa para ma-suprise siya. Mas effective ito lalo na kung nagkaroon kayo ng petty quarrel at argument. Pwede din ang mga small , inexpensive gifts na meaningful  dahil mas okay ang dating nito. Lagyan lang ng konting creativity pra masaya  that way naiilalabas ang saloobin on a regular basis at napapagusapan agad if ever merong problema.

4.TRYING NEW THINGS TOGETHER–  Kahit nakapag-celebrate na kayo ng golden o kahit cotton anniversary pa lang  laging humanap ng mga bagong paraan para maglibang (hindi bagong asawa ha, okay?) stick to one ka lang! Ayaw ni God ng ganun.  Mutual activities to add excitement sa relasyon  tulad ng  mountain hiking , traveling to exotic places kung afford lang naman to renew the wedding vows. Hindi naman kailangan ng mabonggang selebrasyon. Kahit kayong dalawa lang sa may baybaying dagat at witness nyo ang buwan at mga bituin sa langit at mga isda sa karagatan. O diba, vanilla sweet? Pwede din ang sumali sa mga fun run o other sport activities,  entrepreneurship seminars o  art classes. Kahit anong activity pa yan, ang importante diyan magkasama kayo dalawa to make the relationship bond even closer and tighter.

5.FORGIVE AND FORGET– Syempre isa ito sa mga bagay na dapat gawin sa isang marriage. Minsan you have to this thing to save the relationship. Kung kaya mong patawarin at kalimutan ang isang kasalanan ng asawa bakit di mo gawin. Oo, time heals all wounds , but the sooner you heal from the pain, the better chance for you to move on and start anew. Sabi nga ng isang line sa movie ni Sarah G, “Love is a choice.” So, it’s up to you. Ask yourself, “do you want to be happy or do you want to be right?”

Or you can both do this.

Why not for a change, I celebrate nyo yung mahalagang araw na nag away kayo ng todo, naghiwalay at nagbalikan at i-reminish ang mga nakakatawang sumbatan na binato nyo sa isat isa, tapos tawanan nyo lang lahat yun at mag toss ng wine at mag-blow ng cake to celebrate dahil nalagpasan nyo yun. Isa itong magandang paraan para maka-move on na kayo sa past ng walang hinanankit para sa isa’t isa. Oo, ganun minsan sa buhay hindi lang pagbabalikan ang ipinagdiriwang, ang pag-aaway at paghihiwalay sine-celebrate din.

6.REVIVAL MODE – Ang bawat relasyon maraming mga happy at memorable moments yan. Kaya isipin lagi at sariwain ang mga nice and sweetilicious things noong nagliligawan pa lang kayo at yung honeymoon stage ng relasyon. Ibalik ang mga good reasons kung bakit special kayo ang isa’t isa. Syempre meron yan kahit mababaw lang na dahilan hindi pwedeng wala. Bumabalik ang mga good feelings na dala ng magagandang memories , minsan kasi sa dami ng mga problema at mga painful arguments , natatabunan na lang ang mga ito. Pero nandiyan lang talaga yan nakatago at nakabaon sa puso nyo. Kaya bungkalin mo lang. Mag-flashback  lagi o mas maganda pa diyan me-reenactment pa nung moment nung sinagot ka,  yung first kiss or first night ng honeymoon nyo. Whatever . Bongga diba?

Eto pa, buksan ang mga lumang photo albums at pagtawanan nyo ang mga baduy na style nyo sa  pictures nung araw. Basahin minsan ang mga old love letters at mga cards. Mag videoke at kantahin ang mga peborit nyong love songs na parang tulad ng Nida Blanca at Nestor de Villa lang na kumakanta at paikot-ikot  sa ilalim ng punong kakawate o (madre cacao).

7GIVE EACH OTHER SPACE – Space ba kamo gusto ? Ilang square meters ba ang kailangan nya? O sige bigay mo muna ang buong bahay at doon ka muna kay kumare makitira.Tignan lang natin kung di ka nya ma-miss ng todo.  Well, kidding aside, “space “means,  dapat  kasi meron kayong individual hobby o pastime  na pinagkakaabalahan para di naman kayo ma-suffocate sa isa’t isa. Minsan sa sobrang mahal mo ang tao,  daig mo pa ang isang boa constrictor na gusto mo lang laging nakadikit at nakapulupot sa kanya o lagi syang nakikita. Pero you are both limiting yourselves  when it comes to growing and developing as individuals.  Kasi naka-focus lang kayo sa isa’t isa. It doesn’t matter naman kung anong klaseng hobby yan basta  as long as you are passionate about it. In other words, GET A LIFE din paminsan-minsan. Refreshing kaya yung moment na parang ang tagal nyong di nakita , kahit na nasa kabilang kuwarto lang pala siya.

8STAY ACTIVE – Yes getting older and getting sick, part talaga yan ng every marriage. Syempre gusto nyo ring magsama pa kayong dalawa ng matagal. So, stay physically active . Mag-exercise together or do tai chi , yoga, badminton to feel good despite old age. Or gardening kaya, plant vegetables and fruits for a healthy body, mas okay kung fresh ang kinakain. Mag-brisk walking kayo sa umaga tapos bumili ng pandesal na mainit sa kanto at uminom ng kape habang nagtititigan sa isa’t isa.It’s good for the heart at sa over all health condition ninyong dalawa. Iwas rayuma at alzheimers pa. Get involve with the kids more often.  Play games with them if you have free time.  Sabi nga, galaw-galaw din para hindi ma-stroke.

9. SHOW APPRECIATION – Hindi mo naman siya kailangang bigyan ng Plaque of Appreciation para lang masabing masaya ka sa kanya. Laging ipakitang concern ka o interesado sa mga sa ginagawa ng kapartner mo kahit na 50 years nyo nang ginagawa yan. Kung meron siyang mga hilig o hobby  at pastime na pinagkakaabalahan ng oras, ipakita mo ang suporta sa kanya.  Hindi mo naman siya kailangang bolahin araw-araw, say it with honesty naman , “ Uy, maganda ang pagkagawa mo diyan, “ “ Ituloy mo lang kasi mukhang may magandang future ka naman diyan.” Ganun.  Mas okay kung sasabihin mo ng buong puso , kahit medyo konting pabiro. Kahit na deep inside hindi siya ganun ka-confident sa ginagawa niya, mabo-boost ang kanyang morale at sisikaping ma-improve niya ito dahil nandiyan ka lang bilang unang sumusuporta sa kanya. Like the song says, “ You are the wind beneath my wings.” Awwww.

10ALWAYS KEEP THINGS HOT – Syempre , ano ba ang number one na pampawala ng init at sakit ng ulo ng mag-asawa eh di yung  special loving and intimate time with one another.  Let’s be realistic na ang pag-aasawa ay puno ng problema na nakakawala ng mood.  Pero both of you have to work hard on this-because both of you have a physical obligation to fulfill for each other.  Don’t think na porket twenty years na kayong kasal at marami nang anak, stop na rin ang part ng buhay nyo na ito.  Yes, procreation is the main reason for having a family, but there are ways to avoid getting pregnant  if you will help each other.  Ask a medical expert.  Read a book on how to make love without making babies.  Ang mga babae merong safe and unsafe days  to have sex.  A woman should know her own body well. Besides, being intimate doesn’t always have to lead to sex in bed. Maraming paraan to bond with your partner.

Eto pa, added bonus for couples, if ever you are losing the desire for your partner , try these “BE” tips.

a. Be sensual. Wear something intimate like a sexy lingerie, hindi naman kailangan na parang pang-club. A woman can also be sexy in a tank top shirt and boxer panties or shorts. Meaning, if both are in the mood, itabi muna ang grandmother’s panties, flower-printed pajamas, mga sirang t-shirt at maluwag na tokong na mas type mong suutin lalo na kung mainit ang panahon.  Wearing something sexy will create a desire na hindi mo makukuha sa luma at  sirang duster. Women should invest in durable and nice underwears and sexy lingeries not only  for special occasions but also for all purposes.

b. Be open minded. Watch a sexy movie together. Pwede rin ang feel good love story movies o comedy . It will set the mood for each other to cuddle and tease.  You can both have a bottle or two  to let your guards down and make you feel more relaxed.  Talk to each other about anything under the sun. Pwede ding i-set ang mood ng isa’t isa a few days before by texting each other sweet nothings at iwasan muna ang away.

c. Be sensible. I-hold mo muna ang mga issues na gusto mong sabihin sa kanya if you think you are both in the mood to have a wonderful evening together. Wag mong sirain ang gabi.  Next week na kayo mag-argue about it.  Kasi ang effect niyan, mas magiging mahinahon kayo pareho sa pag-uusap kasi in good mood kayo for days. Reason? According to Dr. Aron Ghosh, a specialist in sexual health at the Spire Liverpool Hospital, ” A key hormone released during sex is oxytocin, also known as the “cuddle hormone”. “This lower our defences and make us trust people more.”  He also said that when it comes to the guys, “they release the dopamine hormone – the pleasure hormone and this surge can be addictive.” One thing more, beneficial din para sa mga lalaki ang regular sex dahil nalilinis nito ang kanilang prostate glands at naa-avoid ang cancer.

d. Be romantic. Mag set ng dinner date for each other sa isang romantic and cozy restaurant. If kulang sa budget mag-take out na lang sa Jollibee at manood ng sunset sa may Manila Bay or sa isang simpleng fast food restaurant na hindi matao at maingay. While doing this, avoid texting, calling or chatting with other people on the phone. Lalo na kung ito ay isang special occasion like anniversary or birthday. Give respect and focus on the person you are with.

e. Be adventurous . Mag-overnight sa isang hotel or motel kung kailangan just for novelty reason. Maiba lang ang environment. Kasi nakakadagdag ng excitement yan lalo pa at maraming anak sa bahay at maingay. You both need time for each other to bond and be away from everybody else. Don’t ever feel guilty na iwanan ang mga bata basta meron lang adult na kasama because it is for the sake of the marriage. Children are important, but you should also give time and priority for your partner.

Remember this, it takes hard work to maintain a good relationship , don’t be too compliant ant think that okay lang yan tutal asawa ko na siya. Sige ikaw din. kesa naman hanapin pa niya sa iba, bakit hindi na lang sayo? Think about it.

About miradelle14

She;s a midlife woman who works somewhere in the Gulf and on the path of discovering her life's calling. She aims to share the lessons of life and to inspire others through art and creative writing. She enjoys the day in silence with nature, zen writing, a hot cup of coffee and a book in hand. Get up close and personal thru her personal blog: https://pinayinrosecoloredglasses.wordpress.com/ Please visit and like this page: https://www.facebook.com/theblogjourney/