10 tipikal na nangyayari sa isang Pinoy Teleserye

tvMasasabi na ang mga Pinoy ay talaga namang mahilig manood ng telebisyon. Kahit saan ka pumunta, kahit saang sulok, may maririnig kang nag-uusap sa mga palabas na napapanood nila. Pero ang pinakapatok at pinakapaborito ng marami ay ang teleserye.

Mula umaga hanggang gabi, talagang  nakatutok ang marami. Ngunit minsan, paulit-ulit na lang ang takbo ng kuwento. Kung minsan, nakakasawa na ang paulit-ulit na pangyayari.

 Ano nga ba ang mga ito? Halina’t alamin.

1. Tuwing Biyernes, bibitinin ang mga tao sa rebelasyon. Kaya naman pagdating ng Sabado at Linggo, iniisip ng mga tao kung ano ang mangyayari.

2. Kapag may nanganak na kambal, paghihiwalayin. Ang isa, mapupunta sa mahirap at ang isa naman ay sa mayaman. At kapag nagkatagpo ng landas ang dalawa paglaki nila, lagi silang mag-aaway. At ang mas matindi, mahuhulog ang puso nila sa iisang lalaki na magdudulot ng pag-aagawan ng dalawa.

3. Cancer ang laging sakit ng bida.

4. Laging huli dumating ang pulis. Kaya ang mga tao, maiinis.

5. Hindi mawawala ang paghihiganti ng bida. Kung sa una, inaapi sila, pagdating sa huli, gaganti sila.

6. Laging nababaliw ang kontrabida sa huli.

7. Kapag may binaril o naaksidente, magdadrama pa imbis na dalhin agad sa ospital. Laging sinisigaw ang “Huwag mo akong iwan!” imbis na “Tulong, dalhin natin siya sa ospital”.

8. Iisa lang ang linya ng doctor: “I’m sorry, ginawa na naming ang lahat pero…… bla bla bla”

9. Kahit mahina lang ang suntok ng bida sa mga kaaway, tatalsik agad. Ano yun? May kapangyarihan ang bawat suntok?

10. Kahit alam mong peke ang sampalan at suntukan, napapasigaw ka pa rin.

Hayy, mga teleserye nga naman, kahit paulit-ulit ang mga nangyayari, hindi nagsasawa ang marami.

Pero kahit naman ganoon, talagang hindi natin maiiwasan na humanga sa mga artistang gumaganap. Dahil sila ang dahilan kung bakit nagiging masaya at naapektuhan ang buhay ng Pilipino.

3 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published.