Vice Ganda nakaharap na ang screen partner ni Ion Perez na si Sunshine Guimary: ‘Nakakaloka ‘yung balakang!’

  • Si Sunshine Guimary, ang screen partner ni Ion sa bagong pelikula, ang naging guest constestant kamakailan sa “Hide and Sing” ng It’s Showtime
  • Unang pagkakataon ito na nakaharap ni Vice si Sunshine at siya ay nagandahan sa baguhang aktres
  • Ayon naman kay Sunshine, avid fan siya ni Vice at lagi siyang bumibili ng VIP concert tickets nito sa tuwing may show sa Cebu

Lumabas ang balita noong Enero ngayong taon na bibida sa unang pagkakataon ang host at aktor na si Ion Perez sa proyektong walang kinalaman sa kanyang karelasyon na si Vice Ganda. Ang proyektong ito ay isang pelikula sa ilalim ng Viva Entertainment.

Imahe mula sa video ng ABS-CBN Entertainment via YouTube

Natapos na ang shooting ng nasabing pelikula na may pamagat na “Kaka” kung saan makakasama ni Ion sina Jerald Napoles at ang pinakabagong sexy star ng Viva na si Sunshine Guimary.

Sa unang pagkakataon kamakailan, nagkaharap na sa personal sina Vice at Sunshine nang maging guest contestant ito sa segment ng It’s Showtime na “Hide and Sing.” Dito ay nagbigay ng reaksyon si Vice tungkol sa screen partner ng kanyang nobyo.

“Sabi ko dati, maganda lang ‘yang Sunshine na ‘yan sa picture, feeling ko. Pero nung makita ko, hay, ang ganda niya sa personal. Mukha siyang Miss Colombia, ‘yung mga Latina beauty sa Miss Universe,” ani Vice na ikinatuwa naman ng Cebuana beauty na si Sunshine.

Imahe mula sa video ng ABS-CBN Entertainment via YouTube

“Kakaloka ‘yung balakang. Ang ganda mo nga in person. Naka-face mask na ako naaamoy ko pa, ang bango- bango niya. Buti na lang tapos na ‘yung pelikula n’yo,” pagbibiro pa ng komedyante na isiniwalat na tipid lamang ang mga sagot ni Ion tuwing tinatanong ni Vice ang tungkol kay Sunshine.

“Tinatanong ko si Ion lagi, sabi ko, ‘Kumusta si Sunshine?’ ‘Maganda siya.’ Kapag nagkukuwento siya sa akin, very minimal lang. ‘Oo maganda, maganda naman,'” kuwento ng It’s Showtime host. Hindi naman sinabi ni Vice kung nagseselos ito o hindi, subalit tinawagan niya umano ang Viva Entertainment head na si Vic del Rosario.

Imahe mula sa video ng ABS-CBN Entertainment via YouTube

“Pero tinawagan ko si Boss Vic. Sabi ko, ‘Boss Vic, last movie na nila ni Ion ‘to, ha,’” pagbibiro pa ni Vice.

Sinabi naman ni Sunshine na avid fan siya ng komedyante at nanonood rin ito ng mga concert gamit ang VIP tickets sa tuwing pumunta sa Cebu si Vice.

Mapapanood ang “Kaka” sa darating na May 28 via KTX.ph, iWant TFC, TFC IPTV, Sky PPV, at Vivamax.