Nursing student kumita ng P70k sa loob ng 3 buwan sa pamamagitan ng pagiging online tutor

  • Isang nursing student mula Manila ang nais kumita ng karagdagang pera kaya pumasok sa pagiging online tutor
  • Madali lamang ang online platform na kanyang napasukan dahil sasagot lamang ng mga katanungan ng mga estudyante
  • Dollars din ang bayad sa pagiging online tutor kaya naman lumaki ng hanggang P70k ang kinita ng nasabing estudyante sa loob ng tatlong buwan

Sa ngayon ay hindi pa pinapayagan ang face-to-face classes ng mga estudyante mapa-elementarya o kolehiyo. Marami sa mga estudyante ang nasa loob lamang ng kanilang tahanan dahil online at modular na ang sistema ng edukasyon.

Imahe kuha mula sa video ni Lancetti via YouTube channel

Marami sa mga estudyante ang nagkaroon ng maraming oras dahil hindi na nila kinakailangan pang maghanda sa pagpasok sa paaralan at maghintay ng kanilang service. Kaya naisip ng isang nursing student na gamitin ang kanyang libreng oras at Internet upang kumita ng pera kahit nag-aaral pa lamang.

Mula ang nursing student na si Lancetti Dela Cerna sa Manila. Ayon sa kanyang vlog, kakaumpisa pa lamang niya bilang freshman college student nang gumawa siya ng account sa online tutor platform na “Course Hero.”

Hindi tulad ng tradisyunal na pagtu-tutor na kailangang magkarahap ang tutor at ang tinuturuan, kailangan lamang sumagot ang online tutor ng mga katanungan ng estudyante sa Course Hero. Maaaring gumamit ng laptop o maski cellphone lang.

Imahe kuha mula sa video ni Lancetti via YouTube channel

Ani Dela Cerna, mas mainam kung detalyado ang pagsagot sa mga katanungan ng estudyante sa Course Hero upang ma-rate nila ito ng “helpful” at mababayaran ang online tutor ng minimum rate na $3 (nasa P145) kada sagot. Kung ang rate naman ng estudyante sa sagot ng tutor ay “unhelpful,” hindi ito mababayaran.

Sa loob ng tatlong buwan ay kumita si Dela Cerna ng nasa P70,000 dahil siniguro umano niya na makasagot ng hanggang 10 questions sa Course Hero kada araw. Sa isang araw ay umaabot sa P1,000 ang kanyang kinikita.

Bukod sa maaaring gamitin ng mga estudyante ang Course Hero—kailangan lamang nilang magpasa ng recent grades at valid I.D—madali rin umano itong gawin dahil hindi na kinakailangan magpakita sa video ang mga tutor. Kinakailangan lamang nilang sumagot sa mga katanungan ng estudyante.

Panoorin dito ang buong video ni Dela Cerna tungkols a Course Hero: