‘No space for pedestrians’: Nasubukan mo na rin bang mag-side view para magkasya sa pedestrian lane? Ano ang solusyon?

  • Binigyang pansin ng isang Pinoy architect sa social media ang kawalan ng sapat ng espasyo para sa pedestrian lanes
  • Umani ang katanungan na ito ng libo-libong reactions at shares sa Facebook
  • Sinabi rin ng architect na kinakailangan ng “Department for Pedestrian Affairs” sa bansa upang matutukan ang problema sa mga pedestrian lanes

Tiyak na nasubukan mo nang dumaan sa mga pedestrian lane na matatagpuan sa ilalim ng highway o train station. Marami ring mga Pinoy ang halos araw-araw ay  dumaraan sa pedestrian lanes na matatagpuan sa gilid ng major highways.

Imahe mula kay Paulo Alcazaren via Facebook

Nagbabahagi ng kanyang mga saloobin, opinyon, at rekomendasyon sa kanyang Facebook account ang landscape architect at urban planner na si Paulo Alcazaren. Ngayon ay mayroon siyang mahigit 30,000 followers sa FB na sumusubaybay sa kanyang mga post patungkol sa mga daanan sa bansa.

Kamakailan umani ng libo-libong reactions at shares ang isa niyang post tungkol sa makikipot na daan na itinuturing na pedestrian lane. “No space for pedestrians, while more roads are being built for cars. Why?” ang tanong ni Architect Alcazaren.

Makikita sa mga larawan na kanyang ibinahagi na halos hindi na magkasya ang dalawang magkakasalubong na tao sa makipot na pedestrian lane. Kinakailangan pa ng mga ito na tumagilid upang magkasya.

Imahe mula kay Paulo Alcazaren via Facebook

“Paano na mag social-distancing? One has to ba a gymnast to walk on those rails,” ani ng isang nagkomento. “Poor urban planning at the very start,” ang pahayag naman ng ilan.

Sa isa pang FB post, nagbigay ng rekomendasyon ang architect upang masolusyunan ang isyu sa pedestrian lanes sa bansa. “What we need is a Department for Pedestrian Affairs. Filipino pedestrians are underserved (and underfunded) in infrastructure development. On the other hand, do we need more bureaucracy or just common sense?” ang kanyang makabuluhang tanong.

“The problem can be traced back to the designers, including the structural designers of the mrt stations. They know the dimensions of the buildable sidewalks,” ayon sa isang netizen. May mga nagreklamo rin na netizens na bukod sa makipot na daan ay marumi pa umano rito at may masangsang na amoy.

Ano nga ba ang dapat na gawing hakbang ng gobyerno upang masolusyunan ang ganitong klaseng isyu?

Iyan ang katanungan ng nakararami.