Jericho Rosales ibinunyag na nag-audition sa role bilang si Heneral Luna: ‘I need to gain weight for the role’

  • Sa isang eksklusibong panayam, inamin ni Jericho Rosales na nag-audition siya sa pelikulang Heneral Luna
  • Nang sabihan na kinakailangan niyang magdagdag ng timbang para sa role, nagdalawang-isip si Jericho dahil nalalapit na noon ang kanyang kasal
  • Hindi man siya napili bilang si Heneral Luna, ayon kay Jericho ay masaya siyang nakapag-audition para sa title role

Maraming Pinoy ang namangha sa award-winning biopic film na “Heneral Luna” na ipinalabas sa mga sinehan noong 2015 dahil sa cinematography, mga artista, at ang kabuuan ng pelikula.

Imahe mula Instagram

Isa sa mga hinangaan sa pelikula ay ang mismong gumanap na Heneral Luna, ang beteranong aktor na si John Arcilla.  Ibinunyag naman kamakailan ng aktor na si Jericho Rosales na sinubukan niyang mag-audition para sa title role ng Heneral Luna.

“I auditioned for Heneral Luna as Heneral Luna. So, I remember being in front of the camera for Jerrold Tarog and his team. I was throwing lines,” kuwento ng aktor. Sinabi rin niya na tinanong siya ni Direk Jerrold at ng production team kung payag itong magdagdag ng timbang.

“I remember them asking me, that was 2013, 2014. ‘Can you gain 40 pounds for the role?’” dito na umano nagdalawang-isip si Jericho dahil malapit na rin noon ang kanyang kasal kay Kim Jones. “2014, that was my wedding and then if I do that, I’m gonna be fat on my wedding day!”

Imahe mula Instagram

Tila naramdaman umano ng direktor ang kanyang pag-aalangan na magpadagdag ng timbang. “Because I was skinny that time, medyo payat talaga and I need to gain weight for the role,” dagdag pa ng aktor.

“Eventually, of course, we all know who got the role. He’s not fat, but he is more massive than I am, he’s more muscular, he’s way more mature for the role so I think he was the best,” pahayag ni Jericho patungkol kay John.

Sinabi rin ni Jericho na kung siya man ang naging Heneral Luna ay hindi niya mabibigyan ng katarungan ang pelikula. “Feeling ko, if I played that role, I would suck and the movie wouldn’t have made money.”

Hindi man siya ang napili, sinabi ni Jericho na masaya siya sa naging karanasan sa audition. “I’m really happy na I got to audition for that and that experience alone was something I could tell myself na, ‘Hey, this is the life of the actor, di ba?”