Chito, Neri Miranda sinagot ang netizen na nakapunang walang suot na wedding ring si Chito

  • Ibinahagi kamakailan ni Chito Miranda ang maternity photos ng asawang si Neri Naig
  • Makikita sa mga larawan na kasama rin si Chito kung saan napansin ng ilang netizens na hindi niya suot ang kanyang wedding ring
  • Marami mang lumabas na haka-haka, sinabi naman ni Chito ang dahilan kung bakit hindi niya suot ang wedding ring

Lumabas ang  balita kamakailan na nagdadalantao muli ang aktres na si Neri Naig sa pangalawa nilang anak ng Parokya ni Edgar vocalist na si Chito Miranda. Maraming fans ang nasiyahan sa magandang blessing na ito sa mag-asawa lalo na at nakilala sila sa mga ibinabahaging inspirasyon tungkol sa buhay pamilya at negosyo.

Imahe mula Facebook

Kamakailan ay ibinahagi ni Chito sa social media ang ilan sa mga maternity photos ni Neri kung saan ay kasama rin sila ng panganay nilang anak na si Miggy. Subalit isang larawan ang nakapukaw sa atensyon ng maraming netizens.

Sa larawan kasi na ito ay magkatabing nakaupo ang mag-asawang sina Neri at Chito. Kitang-kita rin dito ang dalawa nilang kamay at may mga netizen na nakapansin dahil hindi suot ni Chito ang kanyang wedding ring.

“Ayaw ata suotin ni idol Chito yung singsing para isipin ng ibang chix single siya,” komento ng isang netizen.

“Wala palang singsing si Chito,” ani naman ng isang komento na nakatanggap ng libo-libong reactions mula sa ibang netizen.

Imahe mula Facebook

Sa komentong ito sumagot si Chito upang ipaliwanag kung bakit hindi niya suot ang wedding ring. “Meron [akong wedding ring]… ayoko lang suotin,” ang simpleng sagot ng Parokya ni Edgar vocalist.

Sa kanyang Facebook account, nilinaw din ni Neri ang isyu tungkol sa hindi pagsuot ni Chito ng wedding ring. “Ako rin po, hindi ko na sinusuot ang wedding ring ko parang more than five years na ata. Why? Hindi na siya kasya!” ani ng aktres.

“Si Chito, nag-try naman talaga siyang suotin. Kaso palagi niyang naiiwan sa lababo kapag maghuhugas ng kamay kahit saan magpunta,” dagdag pa ni Neri at sinabing ang kanilang wedding ring ay mayroong diamonds kaya natatakot din sila na ito ay mawala.

“Ang singsing ay simbolo ng commitment. Pero mas gugustuhin ko namang committed siya sa amin, responsibleng asawa at tatay, kaysa naman suot nga singsing, nakakalimutan pa rin ang ipinangakong commitment sa akin at sa aming pamilya,” pahayag pa ni Neri.

Oo nga naman!