Catriona Gray sinagot ang isyu ng hindi pagsuporta kay Rabiya Mateo: ‘Not everything is on display on social media’

  • Matapos mag-post ng throwback photo sa naganap na Miss Universe 2018, maraming netizens ang nag-react sa hindi pagbanggit ni Catriona Gray sa pambato ng Pilipinas na si Rabiya
  • Inakusahan pa ng ilang netizens si Catriona na nang-aagaw ng atensyon
  • Sinagot naman ni Catriona ang ilang mga paratang at sinabing personal siyang nakikipag-ugnayan kay Rabiya

Nagbahagi kamakailan si Catriona Gray ng throwback photos noong dumating siya sa Thailand nang ganapin doon ang Miss Universe 2018. Sa kanyang caption ay sinariwa ni Catriona ang mga magagandang alalaa ng nasabing pageant.

Imahe mula Instagram

“And just like that, it’s @missuniverse season again! I think it’s such an amazing feat that the delegates from around the world have been able to be present in Florida, USA having overcome all the challenges that I’m sure they and their team faced!” ani ng Filipino-Australian beauty queen.

Binigyang pugay din niya ang lahat ng taong sumusuporta sa kani-kanilang kandidata, ” shoutout to all the contestants, their teams and families who have helped in allowing each woman to strive for her @missuniverse dreams despite the current climate!”

Bagama’t mabuti ang nais na iparating ni Catriona sa kanyang post, marami namang netizen ang napataas ang kilay dahil wala umanong pagsuportang ipinapakita ang Miss Universe 2018 sa pambato ng Pilipinas ngayong taon na si Rabiya Mateo.

Imahe mula Instagram

“@catriona_gray i havent heard any support coming from you for our Rabiya?” ani ng isang nagkomento. “Si @piawurtzbach. Best in support kay @rabiyamateo. Pero ikaw dedma lang hahaha tapos na eksena mo siya naman ok,” ani naman ng isa.

Sa kanyang caption ay tinanong din ni Catriona ang followers: “Who are you all cheering for?” na minasama muli ng netizens. Ani ng isang nagkomento, “Really? You’re a Filipina, instead of cheering for @rabiyamateo you ask people who they are cheering for?”

Bagama’t hindi sinagot lahat ni Catriona ang mga paratang at paghuhusga sa kanya ng netizens tungkol sa pagsuporta kay Rabiya, isa sa mga ni-reply niya ay, “I’m a Filipina AND a Miss Universe. It’s a celebration of women all over the world.”

Imahe mula Instagram

Sa isang komento, ipinaliwanag din niya na hindi niya kinakailangang isapubliko ang pagsuporta sa pambato ng Pilipinas. “I’ve reached out to @rabiyamateo throughout her journey privately [smiling face emoji] not everything is on display on social media,” ani Catriona.

Sa darating na May 17 na mapapanood ang grand coronation night ng 69th Miss Universe pageant sa Miami, Florida, USA.