Kris Aquino lilimitahan na ang pagpo-post sa socmed tungkol kina Joshua at Bimby

  • Pagkatapos ilabas ang “tell-all” video ni Kris Aquino tungkol sa mga isyu na pumapalibot sa kanyang pamilya, muli siyang nagparamdam sa social media
  • Sa pagkakataong ito, mas maaliwalas na Kris Aquino na ang nakita at nagbigay din siya ng update tungkol sa kanyang kalagayan
  • Sinabi rin niya na lilimitahan na niya ang pagpo-post sa social media tungkol sa mga anak na sina Joshua at Bimby

Naging usap-usapan ang “tell-all video” na inilabas ni Kris Aquino noon lamang Marso kung saan sinagot niya ang lahat ng katanungan at isyu na pumapalibot sa kanyang pamilya.

Imahe kuha mula sa video ni Kris Aquino via Facebook

Walang pinalagpas si Kris sa mga sagot at pagpuna, lalo na sa mga tao na mayroong hindi magandang sinasabi tungkol sa kanyang dalawang anak na sina Joshua at Bimby.

Kris Aquino inilabas na ang kanyang ‘tell-all’ video: ‘Ayoko na to leave unanswered questions’

Una na niyang sinabi na walang katotohanan ang chismis na nakabuntis ng babae ang panganay na anak niyang si Josh kaya mas pinili nitong manirahan sa Tarlac. Nabanggit din niya ang mga umaakusa sa anak na si Bimby na ito umano ay bakla.  “In the event he ever does, he will still be my son,” ani Kris.

Kamakailan ay muling nagbahagi ng video si Kris sa kanyang Facebook page. Sa pagkakataong ito ay mas maaliwalas at nakangiting Kris Aquino na ang mapapanood. “Today lahat tayo, we just wanna survive today. Kailangang hindi mawala ang pag-asa,” ani Kris matapos ang lahat ng napagdaanan.

Imahe kuha mula sa video ni Kris Aquino via Facebook

Isa rin sa mga inanunsyo ni Kris sa kanyang video ay ang paglilimita niya umano ng pagpo-post sa social media tungkol sa mga anak. “I’m partly to blame kung nadamay man mga anak ko. I’m taking full responsibility,” ani Kris.

Dagdag pa niya, “I can never shield them fully because from the time they were born, I was already Kris but I can choose what I can show you.” Sinabi rin niya na ang ipo-post na lamang niya sa social media ay mahahalagang event tulad ng ibinabahagi ng ibang mga magulang.

“They post birthdays. They post trips. So that’s the decision I made, ‘yun ang ipapakita ko sa inyo. The regular things that regular people show people dahil lahat ng magulang ‘yun ang ginagawa,” ani ng TV host. “They will have enough privacy. But you cannot see them as often as you used to,” dagdag pa niya.

Panoorin dito ang buong  video: Facebook