Ellen Adarna ibinahagi kung ano ang gagawin kapag niloko siya ni Derek Ramsay

  • Sa kanyang Instagram ay tinanong ng isang netizen si Ellen Adarna kung ano ang gagawin niya sakaling lokohin siya ni Derek Ramsay
  • Sinabi ni Ellen na kung sakaling lokohin siya ni Derek sa unang pagkakataon ay hindi na niya ito mapapatawad
  • Mariin naman si Derek sa kanyang paniniwala na hinding-hindi niya lolokohin si Ellen

Maraming netizen ang nakapansin noon ng madalas na pagsasama nina Ellen Adarna at Derek Ramsay. At noong Pebrero nga ay tinapos na ng dalawa ang haka-haka ng publiko nang aminin ang kanilang relasyon.

Imahe mula Instagram

Batay sa panayam sa aktor na si Derek, Enero nang maging sila ni Ellen at wala umanong nangyaring ligawan. “May relasyon kami, oo. It’s just nagkakilala kami, from the dinner, every day, ‘O, workout’,” ani Derek.

Pagkatapos ng isang buwan mula nang isinapubliko nila ang relasyon, muling ginulat ng dalawa ang netizens dahil sa naganap na wedding proposal at engagement nina Derek at Ellen nung Marso.

Binabalak ng dalawa na magkaroon ng simpleng kasal ngayong taon. Makikita naman sa kanilang mga social media posts na live-in na sila kasama ang anak ni Ellen kay John Lloyd Cruz na si Elias.

Imahe mula Instagram (I-click and imahe upang mapanood ang video)

Aktibo rin si Ellen sa kanyang social media accounts sa pagbabahagi ng kanilang araw-araw na pamumuhay kasama ang fiance at anak. Kamakailan nga ay nagkaroon siya ng question and answer portion sa kanyang Instagram account kung saan maraming netizens ang nagtanong tungkol sa kanyang personal na buhay at relasyon.

Isang netizen ang nagtanong kung ano ang gagawin ni Ellen kung sakaling lokohin siya ni Derek.

“If Derek cheats on you, will you forgive and still accept him?”

Agad naman itong sinagot ni Ellen ng “No!, no, no, no,” habang tinitignan si Derek.

 (I-click ang imahe upang mapanood ang video)

Sumagot din naman ang Kapuso aktor ng “No, I will not cheat on you. Why talk about negativity?”

Idinagdag din ni Ellen na kung sakaling lokohin siya ni Derek ay hindi na niya ito mapapatawad.

“Gwapa ko dzai pero kung mag-binuang siya (Maganda ako, ‘day, pero kung magloko siya), goodbye!” sagot ng Bisaya beauty.

Matatandaan na bago pa si Ellen, ilang beses nang nagkaroon ng failed relationships si Derek mula sa mga kilala ring aktres, at ang pinakahuli nga rito ay ang hiwalayan nila ni Andrea Torres noong November 2020.