Delivery rider viral dahil sa mga TikTok videos habang sumasayaw, masaya dahil nakatutulong sa mga Pinoy

  • Mahigit 130,000 followers at 770,000 likes mayroon ang isang delivery rider sa kanyang TikTok dahil sa kanyang mga pampa-good vibes na dance covers
  • Viral din sa social media ang mga TikTok videos ng nasabing delivery rider na dalawang taon na sa trabaho
  • Ayon sa delivery rider/TikToker, masaya siya na makapagbigay serbisyo sa mga customer sa gitna ng pandemya at makapagbigay aliw sa netizens

Tampok sa ABS-CBN News at iba pang media website ang 27-anyos na delivery rider mula sa Cavite. Viral ang nasabing delivery rider na ito dahil sa kanyang mga nakaaaliw na dance cover sa TikTok.

Imahe mula TikTok

Marami nang ordinaryong tao ang nakilala dahil sa kanilang TikTok videos. Simula nang maganap ang pandemya noong nakaraang taon, isa na ang paggawa ng TikTok videos sa mga nakahiligan ng maraming Pinoy.

Kabilang nga sa mga viral ang TikTok contents ay ang delivery rider na si Julio “Yukii” Artana mula sa Imus, Cavite. Sa ngayon ay mayroong mahigit 130,000 followers at 770,000 likes ang TikTok account ni Yukii na karamihan sa contents ay ang kanyang dance covers dahil sa kanyang galing sa pagsayaw.

Sa kanyang mga video ay makikitang nakasuot pa si Yukii ng kanyang Grab rider uniform katabi ang kanyang motor na ginagamit upang mag-deliver. Ginagawa umano ni Yukii ang mga dance covers sa TikTok sa tuwing nagpapahinga siya sa pagde-deliver.

Imahe mula Facebook

Kuwento ni Yukii sa ABS-CBN News, dalawang taon na siyang delivery rider at noong nakaraang taon lamang siya naengganyong gumawa ng TikTok videos. Ayon pa sa Grab rider, proud siya sa trabaho dahil nakapagbibigay siya ng serbisyo sa mga kapwa Pinoy na hindi makalabas sa kanilang bahay dahil sa krisis.

“Masaya ako dahil nakakapaghatid ako ng tamang serbisyo sa customers ko, at nakakatulong din po kami upang mabawasan ang paglabas ng mga tao,” ani Yukii . Subalit aminado rin siya na may panganib na dala ang kanilang trabaho lalo na sa kanilang kaligtasan at kalusugan.

Imahe mula YouTube

“Sa totoo lang po nakatakot talaga ang virus dahil hindi natin siya nakikita, kaya double ingat din ako sa sarili ko, at tamang suot lang ng face mask, palakasin lang resistensya, at sumunod lamang sa tamang protocols,” dagdag pa ng delivery rider.

Sa ngayon ay patuloy ang paggawa ni Yukii ng contents sa kanyang TikTok account.

Narito ang ilang TikTok dance cover compilation ni Yukii: