Babaeng tinaguriang mayroong ‘world’s longest fingernails,’ pinaputulan na ang mga kuko after 30 years

  • Nakuha ni Ayanna Williams mula Houston,Texa ang Guinness World Records na may pinakamahabang mga kuko noong 2017
  • Ang kanyang mga kuko ay humaba ng hanggang lagpas 18 ft
  • Pagkatapos ng 30 na taon, pinaputulan na ni Ayanna ang kanyang mga kuko sa isang doktor na gumamit ng rotary power tool

Noon pa man ay mahalaga na sa ating mga Pinoy ang pagkakaroon ng malinis at pulidong kuko. Dahil madalas na gamitin natin ang mga kamay at kung ano-ano pa ang ating nahahawakan, madali itong kapitan ng mga germs at iba pang bacteria.

Imahe mula sa video ng Guinness World Records via YouTube channel

Subalit may ilang tao na gugustuhang mahaba ang kanilang kuko. Ito kasi ay kanilang nilalagyan ng nail polish at iba pang disenyo at accessories.

Ngunit para sa titleholder na si Ayanna Williams, hindi lamang sapat na humaba ang kanyang kuko ng lima hanggang 10 inches. Siya kasi ang may hawak ng “Guinness World Records” sa pagkakaroon ng “world’s longers fingernails (female).”

Mula si Williams sa Houston, Texas at bilang hanapbuhay ay isa siyang “nail technician.” Ang mga nail technician ay mga nagbibigay serbisyo para sa mga taong nais magpalinis ng kuko tulad ng manicure, pedicure, at iba pa.

Imahe mula sa video ng Guinness World Records via YouTube channel

Dahil mahilig sa pag-aalaga ng mga kuko, humaba ang kuko ni Williams hanggang 18 ft. 10.9 inches kaya naman kanyang nasungkit ang Guiness World of Records noong 2017. Kapag pinagsama ang dalawang mga kamay, ang kanyang kuko ay may combined measurement na 24 ft.—halos kasing taas na ng isang bahay.

Bilang pag-aalaga sa mahahaba niyang kuko, gumagamit si Williams ng tatlo hanggang apat na nail polish at inaabot siya ng 20 hours para lamang malinisan ang lahat ng mga ito.

Subalit pagkatapos ng halos 30 years, pinaputol na ni Williams ang kanyang mga titleholder na kuko. “I’ve been growing my nails for a few decades now. I’m so, so ready for a new life. I know I’m going to miss them, but it’s just about that time—it’s time for them to go,” ani Williams.

Imahe mula sa video ng Guinness World Records via YouTube channel

Isang doktor mula sa clinic ang maingat na naggupit ng mga kuko ng Guinness World Records titleholder gamit ang rotary power tool. Nakalulungkot man para kay Williams, malaking bagay na umano ang pagkawala ng kanyang mahahabang kuko dahil mas madali na ang kanyang pagkilos at paggawa ng mga gawaing bahay.

“With my movements, I have to be very, very careful. So usually in my mind, I’m already preparing for the next step that I have to do to make sure that I don’t hurt myself with my nails or break them,” pahayag pa ni Williams.