Mga magulang ni Sarah G, may ‘special participation’ sa katatapos na ‘Tala, The Film Concert’

  • Naging matagumpay kamakailan ang naganap na online concert ni Sarah Geronimo na “Tala, The Film Concert”
  • Isa sa mga surpresa sa kanyang concert ay ang special participation ng kanyang mga magulang na sina Delfin at Divine
  • Nakasama rin ni Sarah ang kanyang asawa na si Matteo Guidicelli na nagbahagi ng madamdaming kuwento tungkol sa kanilang pagsasama

Hindi malilimutan ng maraming Pinoy ang nangyaring eskandalo sa palihim na pagpapakasal ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo at ang kanyang nobyo noon na si Matteo Guidicelli. Ito kasi ay mariing tinutulan ng ina ni Sarah na si Mommy Divine hanggang umabot pa sa pisikalan sa mismong kasal.

Imahe mula Instagram

Bagama’t matindi ang pagtutol ni Mommy Divine, ikinasal pa rin at naging mag-asawa na sina Sarah at Matteo noong Pebrero 2020. Napabalita namang umalis na sa poder ng kanyang ina si Sarah at ngayon ay masaya na silang nagsasama ni Matteo sa kanilang sariling bahay.

Mahigit isang taon pagkatapos ng nangyaring gulo sa pagitan nina Mommy Divine, Sarah, at Matteo, nagbahagi ang Popstar Royalty noon lamang unang linggo ng Marso ng post tungkol sa organic farm products na ibinebenta ng kanyang ina.

Marami tuloy Pinoy ang naghinuha na maaaring nagkapatawaran na ang dalawang kampo at tanggap na ngayon ni Mommy Divine ang pagiging mag-asawa nina Sarah at Matteo.

Imahe mula Instagram

Mas nakumpirma ang pagkakabati nina Mommy Divine at Sarah nang magkaroon ng special participation ang mga magulang ng Popstar Royalty sa kanyang highly-successful exclusive online concert na tinawag na “Tala, The Film Concert” na ginanap noon lamang March 27.

Sa isang bahagi kasi ng concert ay ipinalabas ang video clips ng masasayang sandali nina Sarah at ng kanyang mga magulang na sina Delfin at Divine. Kabilang sa ipinakitang clips ay ang “I Will Be Here” duet nina Sarah at ng kanyang tatay.

Imahe mula Instagram

Habang ipinapakita ang clips, binanggit ng singer-actress ang tungkol sa hindi pagsuko pagdating sa mga mahal sa buhay.

“You could have all the riches in the world, have the material things na gusto mo, pera na gusto mo, popularity, fame na gusto mo pero kung wala naman sa buhay mo ‘yung mga pinaka-importante sa ’yo, balewala lahat ito.”

Naging special guest din ni Sarah sa kanyang concert ang asawang si Matteo na nagbahagi ng madamdaming kuwento tungkol sa kanilang pagsasama.

Malaki ‘yung naging growth namin. Mas kilala na namin ‘yung isa’t isa. I would say na mas nag-mature na kami ngayon pareho as individuals. Malaking tulong iyon sa marriage namin.”