Kris Aquino inilabas na ang kanyang ‘tell-all’ video: ‘Ayoko na to leave unanswered questions’

  • Kamakailan ay inilabas na ni Kris Aquino sa kanyang Facebook page ang 25-minute video kung saan sinagot  niya ang mga kontrobersiya
  • Kabilang sa mga natalakay ni Kris ay ang kanyang mga anak, pamilya, politika, at buhay pag-ibig
  • Sinabi ni Kris na hindi niya hahayaan ang mga bashers na patuloy siyang gawan ng isyu at ang kanyang pamilya

Matatandaan na bago matapos ang nakaraang linggo ay nagpahiwatig si Kris Aquino sa kanyang IG account na maglalabas siya ng video upang sagutin ang mga paratang at isyu sa kanya at sa kanyang pamilya.

Imahe mula Instagram

Sa kanyang Facebook page ay in-upload na ng TV host ang kanyang 25-minute “tell-all” video kung saan ay inilabas na niya ang mga sama ng loob sa mga gumagawa ng isyu sa kanyang pamilya, mga pangalan na idinadawit sa kanya, mga politikal na isyu, at ang kanyang buhay pag-ibig.

“Ayoko na to leave unanswered questions,” ang nabanggit ng TV personality.

Sa kanyang video, nakaupo lamang si Kris habang mayroong hawak-hawak na makapal na yellow paper kung saan nakasulat ang kanyang mga sasabihin.

“My family was always expected to take the high road, my siblings… kayang-kaya nila iyon. But as I have admitted to all of you, ako ‘yung ibang Aquino,” ang matapang na panimula ni Kris.

Una niyang natalakay ang mga isyung bumalot sa kanyang mga anak na sina Josh at Bimby.

“Nanay ako na binabalahura na ang mga anak, sinubukan ko to shut up para huwag na itong humaba. But shutting up causes me even more stress.” Ipinagtanggol ni Kris ang mga anak at sinabing mabubuti silang tao, at hindi rin umano nila kasalanan na sila ay naging Aquino.

Imahe kuha mula sa video ni Kris Aquino via Facebook

Sinabi rin ni Kris na sinubukan nilang mag-reconnect ni Herbert Bautista, “Unfortunately because elections are next year, dahil ginamit ko ‘yung salitang ‘vote’ it can be misinterpretted again. HB’s (Herbert Bautista) plans, his political plans, whatever plans he has, they are his own.”

Pagdating naman sa politika, sinabi ng TV host na walang rason upang atakihin siya ng mga DDS. “I still continue to pray for the current administration.” Ipinaliwanag din ni Kris ang kanyang pamimigay ng pera sa social media dahil umano na “misinterpret” ito at sinabing may political agenda.

“Hindi po ako kagaya nung iba, hindi po ako epal. Wala po akong agenda, tumatanaw lang ako ng utang na loob, because my mom taught me: there would be no Kris Aquino if Filipinos did not support or believe in you.”

Naging emosyonal din si Kris nang balikan ang mga alaala ng paglisan ng kanyang ina, ang dating presidente na si Corazon Aquino.

“You leave me no choice but to defend. Alam ko naman, eh. Hindi ninyo ako tatantanan. Kaya habang may freedom of speech pa, magtiisan na lang tayo.”

Panoorin dito ang buong  video: Facebook