Mayor Isko Moreno inilarawan bilang “Makabagong Rajah” sa obrang gawa ng isang Muslim youth leader

  • Kamakailan sa naganap na flag raising ceremony sa lokal na pamahalaan ng Maynila ay mayroong naganap na maikling programa
  • Nag-turnover kasi ang isang Muslim youth leader at artist ng kanyang obra tampok si Manila City Mayor Isko Moreno
  • Sa obrang ito na isang digital oil painting, inilarawan ang mayor bilang isang “Makabagong Rajah”

Simula nang maupo sa puwesto noong 2019 at hirangin bilang ika-22 na mayor ng Maynila, maraming Manileño at maski hindi mga taga-lungsod ang humanga sa naging pamumuno ni Mayor Isko Moreno.

Imahe mula sa Manila Public Office Information via Facebook

Bukod kasi sa malaking pagbabago na ipinatupad niya sa Maynila lalo na sa hitsura nito at mga pangkabuhayan ng nasasakupan, nagpatupad rin siya ng kaliwa’t kanang rehabilitation program upang maibalik ang ganda at kasaysayan ng mga historical places at destinations ng lungsod.

Nang maganap ang pandemya noong nakaraang taon, lalong sumalang sa maraming hamon ang pagiging pinuno ni Mayor Isko, at hindi naman niya nabigo ang mga nasasakupan at iba pang Pinoy dahil sa kanyang mga ipinatupad na proyekto at kampanya laban sa COVID-19.

Upang bigyang pasasalamat si Mayor Isko sa lahat ng kanyang nagawa sa lungsod, nag-turnover kamakailan ang Muslim youth leader at artist na si Wallid Weynne Mohammad ng kanyang obra tampok si “Yorme.”

Imahe muka kay Christian Turingan/MPIO via Facebook

Sa naganap na regular flag raising ceremony ng mga kawani ng LGU, dito ibinigay ni Wallid ang kanyang digital oil painting portrait ni Mayor Isko na inilarawan sa obra bilang “Makabagong Rajah.”

“Ang obrang ito ay iginuhit hango sa inspirasyon na nagsisimbolo ng katatagan at pag-asa sa aming mga Muslim na sa bagong Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa pamumuno ni Yorme Isko Moreno Domagoso pati ng kanyang Vice Mayor na si Honey Lacuna-Pangan, makakamit ang matagal na hinahangad na pagkakapantay-pantay at pagpapahalaga,” ani Wallid.

Sa nasabing post ay nag-iwan naman ng komento ang Manila Muslim Affairs – City Government of Manila Facebook page at sinabing, “the Rise of the New Rajah!”

Ayon sa kasaysayan, ang mga naging unang pinunong Pilipino sa Maynila ay ang mga “rajah” o “datu.” Isa sa mga kilalang raja na nakipaglaban sa mga Espanyol noon ay ang tinaguriang “Dakilang Rajah ng Tondo” na si Rajah Lakandula.