‘No more sana all!’ Birthday celebrant sinurpresa ng kasintahan ng isang dinner cruise

  • Masayang ibinahagi ni Micaela Angela Lavin ang birthday surprise sa kanya ng kasintahang si Yson Castro
  • Sa kanyang post, makikita ang mga larawan mula sa dinner cruise na inihanda para sa kanya
  • Bukod sa dinner cruise, nakatanggap din siya ng singsing, bouquet, at iba pang mga regalo

“Ang sarap palang maramdaman na babaeng-babae ka kahit isang gabi lang,” wika ng birthday celebrant na si Micaela Angela Lavin kasabay ng pagbabahagi ng ilang larawan mula sa dinner cruise na surpresa sa kanya ng kasintahang si Yson Castro.

Image captured from Facebook

Sa kanyang Facebook account, makikita ang mga larawan mula sa surprise dinner cruise na inihanda para sa kanya.

“No more sana all. Happiest birthday, indeed!” saad niya sa caption ng mga litratong ibinahagi niya. “Thank you so much for making my birthday extra special. Ngayon ko lang na-experience i-surprise nang wala akong idea kahit lagi tayong magkasama (ayaw mo na kasi humiwalay, e). Basta ang sabi mo lang, ‘Date tayo sa January 1, wear formal.'”

Aniya, kasabay ng pagpasok ng panibagong taon ay kinalimutan na niya ang mga hindi magagandang bagay na nangyari sa relasyon nila at handa na siya muling gumawa ng mga alaala kasama ang minamahal.

“Iniwan ko na sa 2020 iyong bad memories. I hope you’ve learned from it. I’m ready to start creating new memories with you. I love you!” wika niya.

Bukod sa dinner cruise, nakatanggap din siya ng singsing, bouquet, at iba pang mga regalo.

Samantala, nagpasalamat si Micaela sa mga taong bumabati at nagpapahayag ng tuwa sa comments section ng kanyang post na mayroon nang mahigit 19,000 reactions at lampas 21,000 shares, as of writing. “I’m so overwhelmed with your love, guys! Thank you sa mga nagse-share and sa lahat ng bumabati. My heart is so happy. I love you all!”

Images via Micaela Angela Lavin | Facebook