Miss Teen USA 2020 ipinagmamalaki ang pagkakaroon ng lahing Pinoy

  • Kinoronahan bilang Miss Teen USA 2020 noong nakaraan Nobyembre ang mula Hawaii na si Ki’ilani Arruda
  • Sa isang panayam sa kanya ng ABS-CBN, sinabi ni Ki’ilani na ipinagmamalaki niya ang pagkakaroon ng lahing Pilipino; ang kanyang ina ay isang Filipina
  • Malaki ang suporta ng Filipino community kay Ki’ilani na iniidolo rin si Miss Universe 2018 Catriona Gray

Kilala ang galing, abilidad, talento, at iba pang magagandang katangian ng mga Pilipino hindi lamang sa bansa kundi sa buong daigdig. Tiyak na kapansin-pansin din ang mga taong may lahing Pilipino dahil sa ganda ng kanilang pisikal na katangian at ang kaugalian.

Imahe mula Instagram

Ang mga aspetong ito ang ipinagmamalaki ng kinoronahang Miss Teen USA 2020 na si Ki’ilani Arruda dahil  siya mismo ay may lahing Pilipino. Ang kanyang ina ay isang Filipina mula Ilocos at lumaki siya sa isang Filipino community sa Hawaii.

Sa panayam sa kanya ng ABS-CBN, kinuwento ni Ki’ilani ang kanyang naging reaksyon matapos matawag ang pangalan at hirangin na Miss Teen USA.

“Just for getting to where I was even like standing in the top 2, it’s such an achievement because Miss Teen USA is something that so many girls strive to achieve and it’s  such a great accomplishment. Just being there in the top 2 I felt super grateful,” ani 18-anyos na si Ki’ilani.

Imahe mula Instagram

Ipinanganak at lumaki man sa Hawaii, lagi naman umanong ipinagmamalaki ni Ki’ilani ang pagkakaroon ng lahing Filipino. Kahit noong nasa Hawaii pageant pa lamang siya ay dama na niya umano ang buong suporta ng Filipino community.

Kuwento pa ng Miss Teen USA, lagi umano sa kanilang hapag-kainan ang adobo, halo halo, at lumpia. Sinabi rin niya na nakikinig siya sa ilang OPM at isa sa kanyang mga paboritong singers ay si Sarah Geronimo.

Imahe mula Instagram

“Sarah Geronimo, I love her! Her song Tala is one of my favorite songs,” kuwento ni Ki’ilani. Nang tanungin naman ang kanyang mga adbokasiya, sinabi ni Ki’ilani na nais niyang isulong ang autism awareness at makatulong na rin sa mga may intellectual at developmental disabilities.

Isa rin sa mga ninanais ni Ki’ilani ay ang makauwi na sa Pilipinas pagkatapos ng pandemya upang makita at makilala na rin ang isa pa niyang iniidolo, si Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Panoorin dito ang buong panayam kay Ki’ilani  ng ABS-CBN: