Liza Soberano nagplano ng surprise baby shower para kay Janella Salvador bago ito pumunta ng UK upang manganak

  • Ibinahagi ni Janella Salvador sa kanyang Instagram account na nagkaroon siya ng surprise baby shower party bago pumuntang United Kingdom para doon manganak
  • Ang surprise baby shower na ito na mayroong temang “Breakfast at Tiffany’s” ay pakana ng kanyang kaibigan na si Liza Soberano
  • Oktubre nang manganak si Janella sa UK at nito lamang January 2021 nila isinapubliko ng nobyo na si Markus Paterson ang kanilang anak na si baby Jude

Isa na marahil sa mga maituturing na surpresa sa unang linggo pa lamang ng taong 2021 ay ang rebelasyon ng magkasintahan na sina Janella Salvador at Markus Paterson tungkol sa kanilang anak na si Baby Jude na isinilang ni Janella noong nakaraang Oktubre.

Imahe mula kay Janella Salvador via Instagram

Naging usap-usapan na noon man pa sa social media ang pagbubuntis ng 22-anyos na si Janella matapos lumabas ang ilang mga larawan at haka-haka tungkol sa kanya. Gayun pa man, hindi ito kinumpirma ng Kapamilya actress.

Matatandaan na Setyembre naman kinumpirma nina Janella at Markus Paterson ang kanilang relasyon na pinag-ugatan ng haka-haka na nagdadalantao ang Kapamilya actress.

Sa kanyang vlog ipinakilala ni Janella sa publiko ang kanyang anak na si Jude.

“Welcome to the world, my son,” ang naging caption naman ni Markus matapos mag-post ng larawan nila ng anak.

“Feeling so many emotions but mostly excited that we’re ready to finally introduce you to the world. Well, if I’m going, to be honest, I was quite nervous about this day because I know how harsh the world can be,”  ani Janella sa kanyang vlog.

Imahe mula kay Janella Salvador via Instagram

Kamakailan ay ibinahagi rin ng Kapamilya actress ang naganap na surprise baby shower sa kanya noong Agosto bago sila lumipad papuntang United Kingdom.

“This is an extra special post. I just wanna thank a good friend for planning and organizing a surprise baby shower for me before I left the country months ago,” ani Janella sa kanyang IG post kalakip ang mga larawan at video ng naganap na baby shower.

Kuwento ni Janella, katatapos lamang ng kanyang maternity photoshoot kasama ang nobyong si Markus nang papuntahin sila sa kabilang kuwarto. “I’m not very good at reactions when people surprise me in person which explains my face in the video but seeing these people who are dear to me all in one room warmed my heart and reminded me of the good in the world despite the situation.”

Imahe mula kay Janella Salvador via Instagram

Ani Janella, ang nagplano at nagsaayos ng baby shower na may temang “Breakfast at Tiffany’s” ay ang kanyang  kaibigan na si Liza Soberano. “Thank you, you are a gem,” ani Janella na isang avid fan ni Audrey Hepburn, ang bida sa pelikulang Breakfast at Tiffany’s.

Nag-iwan din ng munting video message si “Ninang” Liza para kay Baby Jude na ibinahagi rin ni Janella kasama ng mga larawan sa naganap na surprise baby shower. “I made her a baby shower because I wanted her first pregnancy with you to be a special one that she will never forget,” ani Liza sa kanyang video message para kay baby Jude.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Janella Salvador (@superjanella)