‘Sana’y mas pahalagahan natin ngayon ang lahat ng mga binalewala natin’: Ruru Madrid may realizations sa kanyang bday

  • Sa kanyang ika-23 na kaarawan, nagbahagi ng kanyang realizations sa mga nangyari ngayong taon ang aktor na si Ruru Madrid
  • Nagpasalamat siya sa mga natatanggap pa rin na biyaya sa gitna ng pandemya at sa mga pagmamahal at suporta na ibinigay sa kanya
  • Sinabi rin ni Ruru na umaasa siyang pahahalagahan ng mga tao ang mga binalewala noong nagdaang taon

Karaniwan na sa mga artista na magbahagi ng kanilang mga litrato, video, at birthday wishes sa tuwing ipinagdiriwang nila ang kanilang kaarawan upang magkaroon din ng ugnayan sa kanilang mga fans kahit sa social media lang.

Imahe mula Instagram

Kamakailan, ipinagdiwang ng Kapuso actor at hunk na si Ruru Madrid ang kanyang ika-23 na kaarawan. Sa kanyang Instagram account ay nagbahagi si Ruru ng litrato at isang mahabang mensahe tungkol sa life lessons at realizations niya ngayong taon.

Ayon kay Ruru, nagi-guilty siya na masayang nagdiwang ng kaarawan dahil mas maraming Pinoy ang naghihirap ngayong may pandemya. “Amidst the pandemic, hindi ko pa rin lubos maisip how blessed I am to be given a lot of chances and opportunities to hone my craft, improve my skills, and share these para magbigay ng saya at inspirasyon,” ani Kapuso hunk.

Una niyang pinasalamatan ang Maykapal dahil sa mga natanggap na blessings. “He has showered me with happiness and love from the start.” Pinasalamatan din niya ang kanyang pamilya sa industriya dahil sa kanilang suporta, “thank you dahil hindi kayo nagsasawang turuan ako para mas pagbutihin ang aking trabaho bilang aktor.”

Imahe mula Instagram

Sa huli, hindi nakalimutan ni Ruru na pasalamatan ang mga taong sumusuporta sa kanya lalo na sa social media, ” Sometimes, I doubt myself pero everytime I read comments sa social media appreciating what I am doing, nawawala lahat ng pagod at duda.”

Sinabi ni Ruru na kung bibigyan ng pagkakataon, ang kanyang birthday wish ay magkaroon ng mas magandang bagong taon para sa lahat. At sa huli, sinabi niya na maraming aral ang kanyang natutunan ngayong 2020 at umaaasa siya, “na sana mas pahalagahan natin ang lahat ng bagay na binalewala natin sa mga nagdaang taon.”