Heart Evangelista ‘super willing’ i-tour ang Blackpink member na si Lisa sa Sorsogon

  • Ipinahayag ni Heart Evangelista ang kanyang kagustuhan na i-tour ang K-pop idol at BLACKPINK member na si Lisa Manoban
  • Sa isang panayam kay Lisa, sinabi niyang nais niyang bumisita muli sa Pinas upang mamasyal
  • Isa sa mga nais gawin ng K-pop idol ay ang mag-swimming kasama ang whale sharks, at isa ang lalawigan ng Sorsogon sa kilalang tourist attraction para dito

Naging viral at usap-usapan ng maraming Pinoy online ang clip ng interview kay Lisa Manoban o mas kilala sa tawag lang na “Lisa” — isa sa mga miyembro ng K-pop group sensation na BLACKPINK.

Imahe mula Instagram | @penshoppe

Si Lisa ang pinakabagong model ng clothing brand na Penshoppe na siya ring nagpatupad ng interview sa K-pop idol. Sa panayam kay Lisa ay naitanong sa kanya kung saang lugar sa Pilipinas ang nais niyang pasyalan.

“Oh, actually, I have two places that I want to go and visit,” ani Lisa. “First, the Chocolate Hills. It is like several hills that look like chocolate because of its color.” At ang ikalawa naman niyang nais pasyalan ay ang lugar kung saan siya puwedeng makapag-swimming kasama ang whale sharks.

“And then I want to go to the place where you can snorkel with whale sharks. That’s so cool that you can swim together with the whale sharks there,” pahayag ng K-pop idol. Isang netizen ang nag-tag sa Kapuso actress at “Queen of collaborations” na si Heart Evangelista tungkol sa kagustuhan ni Lisa na makapag-swimming kasama ang mga butanding.

Imahe mula Twitter

“OMG… super willing ako mag-tour guide! Padabaaaaa Lisa #MahalKongSorsogon,” ang naging reply at Tweet naman ng Kapuso actress. Kilala ang lugar ng Donsol sa Sorsogon bilang tourist attraction sa mga nagnanais mag-snorkling kasama ang mga whale sharks.

Sinabi ng K-pop idol na noong unang beses na pumunta ang BLACKPINK sa Pilipinas ay nais na niyang maranasan ang lumangoy kasama ang mga whale sharks.

“I told my manager if we could go because I want to swim with the whale sharks. It’s hard to go there, so maybe next time,” ani Lisa.

Bilang asawa ng dating senador at ngayon ay governor ng Sorsogon province na si Chiz Escudero,  maaaring maisakatuparan ni Heart ang pagnanais na maging tour guide ni Lisa sa panahon na bumisita ito sa Pilipinas.