VIRAL: Nahulog sa sapa na reading materials na ipamimigay sa mga estudyante, sinagip ng guro

  • Viral ngayon ang mga litrato ng isang guro na namimigay ng reading materials sa kanyang mga estudyante sa kanilang lugar sa Surigao del Sur
  • Sa hindi inaasahang pangyayari ay may nahulog na reading materials sa sapa at sinubukan itong sagipin ng guro ngunit nahulog din siya
  • Ayon sa guro, sariling inisyatibo niya umano ang pamimigay ng reading materials sa gitna ng pandemic

Hanggang saan nga ba ang kayang gawin ng mga guro sa panahon ngayon ng pandemya para sa ikabubuti ng edukasyon? Lalo na at walang face-to-face learning, paano na nga ba matututo ang mga estudyanteng Pinoy?

Imahe mula kay Moises Palomo via Facebook

Bukod sa nalalapit na modular distance learning na inaasikaso na ngayon ng mga paaralan at guro, nakaisip ang isang guro mula sa Surigao del Sur ng paraan upang magkaroon ng iba pang learning resources ang mga estudyante sa kanilang lugar.

Sa viral post ngayon ay makikita sa mga litrato kung paano tumawid sa isang tulay si Teacher Moises Palomo sa Tandag City, Surigao del Sur upang mamigay ng mga reading materials na gagamitin ng mga estudyante sa distance learning.

Kuwento ni Teacher Moises, nang dumaan sila sa tulay na yari sa kawayan ay bigla itong nabali at nabitawan niya ang ilang hawak na reading materials. Agad niya itong sinagip at sinubukang abutin mula sa sapa ngunit pati siya ay nahulog din dito.

Imahe mula kay Moises Palomo via Facebook

Makikita sa mga larawan kung paano sinubukang abutin ni Teacher Moises ang mga nahulog na reading materials at kung paano rin siya nahulog sa sapa at nakaahon mula rito. Ang post na ito ng guro ay umani ng libo-libong reactions mula sa netizens.

Sa magkaibang post ay sinabi ni Teacher Moises na ang kanyang inisyatibo sa pagbibigay ng reading materials ay parte ng kanyang proyektong ‘Distance learning amidst Pandemic’ at hindi umano ito iniutos sa kanya ng kanilang paaralan.

Imahe mula kay Moises Palomo via Facebook

“I believe that it reminds us that our true work is NOT our JOB… That is WHAT we do, not what were created to do. Our true work is to look after each OTHER.. And I thank you!”ani Teacher Moises na isa ring kontisera sa mga pageants.

Maraming salamat sa iyong kasipagan, teacher!