‘Very thankful sila dahil napakamahal daw magpa-swab’: Libreng swab test sa mga manggagawa sa Maynila, inumpisahan na

  • Lumabas kamakailan ang balitang makatatanggap ng libreng COVID-19 swab test ang mga empleyado ng Manila local government unit (LGU)
  • Bukod sa mga empleyado ay mayroon ding libreng swab test sa mga manggagawa tulad ng mga vendor sa palengke, drayber ng jeepney, at iba pa
  • Noong Martes ay inumpisahan na ang unang grupo ng mga mangagawa at drivers na sumailalim sa swab testing

Isa na marahil sa pinakamalaking proyekto ng Manila local government unit (LGU) sa paglaban kontra COVID-19 ay ang pagtatayo ng libreng COVID-19 drive-in testing sa lungsod. Kaya naman pinilahan ito ng mga taga-Manila at maski ng mga Pinoy na mula pa sa ibang lugar.

Imahe mula sa Isko Moreno Domagoso Facebook page

Bukod sa drive-thru COVID-19 testing ay sumunod na naging malaking proyekto ng Manila LGU ay ang pagpapatupad naman ng mass swab testing hindi lang sa mga empleyado ng kanilang lokal na gobyerno kundi maski sa mga manggagawa tulad ng mga tindera sa palengke, drivers, at marami pang iba.

Libreng swab test iaalok sa mga empleyado ng Manila LGU at ilang mga manggagawa sa lungsod

Nakasaad sa Facebook post ng Manila Public Information Office na ang mga manggagawang maaaring makatanggap ng libreng swab test ay mga nagtitinda sa palengke, mga empleyado sa malls, hotel, at restaurants, mga drayber ng e-trike, jeepney, pedicab, at bus.

Sa FB page ni Manila City Mayor Isko Moreno, inanunsyo niya na nag-umpisa na ang kanilang targeted mass swab testing para sa mga manggagawa at mga drivers sa lungsod.

Imahe mula sa Isko Moreno Domagoso Facebook page

“Target po nating makapag test ng 900 na mga indibidwal sa araw na ito sa tulong po ng Manila Health Department at ng ating mga District Hospitals. Ito’y para masiguro po ang kaligtasan ng ating mga manggagawa sa iba’t ibang establishments habang sila ay naghahanap buhay at sa parehong pagkakataon ay mabigyan natin ng kapanatagan ang mga mamimili,” ani sa FB post.

Nagbigay ng update ang FB page ni Mayor Isko at marami sa mga manggagawang sumailalim sa libreng swab testing ang lubos na nagpapasalamat dahil napakamahal daw ng swab test sa ibang pasilidad.

Imahe mula sa Isko Moreno Domagoso Facebook page

Dumating na rin sa bagong Sta. Ana Hospital RT-PCR molecular laboratory ang specimen ng mga indibidwal na unang sumailalim sa swab test sa SM Manila. Sa loob umano ng  24 hanggang 48 na oras ay malalaman na ang resulta ng swab test.

“Nawa’y sa maliit na kaparaanang ito ay makatulong tayo sa ating mga manggagawa, driver at sa mga mamimili na mabigyan sila ng panatag na kalooban at kaligtasan mula sa banta ng COVID-19,” ani Mayor Isko.