Former Miss Universe Philippines queens, muling nagsama-sama sa isang larawan

  • Sa katatapos na Miss Universe Philippines 2020, naging mistulang reunion din ito ng mga dating MUP queens na present sa event
  • Nagkaroon ng isang photo op ang mga dating beauty queens na sina Janine, Venus, Shamcey, Ara, at Gazini, hindi naman nakasama sa litrato si MJ
  • Tinanghal na Miss Universe Philippines 2020 si Miss Iloilo Rabiya Mateo

Kilala ang Pilipinas sa pagiging competitive natin pagdating sa mga patimpalak tulad ng beauty pageants. Bukod sa gandang Pilipina, pinagmamalaki rin ng ating bansa ang kahusayan ng kababaihang kandidata sa pagsagot sa question and answer portion at pati na rin ang determinasyon nilang manalo.

Imahe mula Instagram via Miss Universe PH official

Sa katatapos na Miss Universe Philippines 2020, kinoronahan bilang bagong beauty queen at ang magiging representative ng ating bansa sa darating na Miss Universe competition ang tubong Iloilo na si Rabiya Mateo.

Bukod sa mga naggagandahang mga dilag na sumali sa MUP 2020 na naging usap-usapan online, marami rin ang natuwa pagkatapos masilayan ang mga dating MUP beauty queens na present sa nasabing kompetisyon.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Miss Universe 2012 1st runner-up Janine Tugonon ang isang litrato kung saan kasama niya ang mga dating MUP na sina Venus Raj (Miss Universe Philippines 2010 fourth runner up), Shamcey Supsup (Miss Universe Philippines 2011 third runner-up), Ariella “Ara” Arida (Miss Universe Philippines 2013), and Gazini Ganados (Miss Universe Philippines 2019).

Imahe mula kay Janine Tugonon via Instagram

Lumipad pa papuntang Pilipinas si Janine mula New York upang dumalo sa MUP 2020 finale bilang isa sa mga hurado. Ang kanyang litrato kasama ang iba pang beauty queens ay nilagyan niya ng caption na:

“It was great to spend time with these ladies and of course my love @mj_lastimosa (hindi nya nakita ang aming message agad kaya wala sya dito) Wish we had more time to hangout but time to go! love you all! Enjoy the show!” Dumalo rin sa MUP finali si Miss Universe 2014 MJ Lastimosa subalit hindi na nakasama pa sa nangyaring photo op.

Imahe mula kay Janine Tugonon via Instagram

Katulad ni Janine, naging hurado rin si Miss Universe 2013 Ara Arida habang si Shamcey Supsup naman ay ang national director ng Miss Universe Philippines organization.

Sadya ngang namang bihira lamang na magsama-sama sa iisang litrato ang lahat ng beauty queens na nagbigay karangalan sa ating bansa pagdating sa beauty pageants. Sila ay ang kababaihan na patuloy na nagbibigay inspirasyon sa mga kapwa nila babae na maniwala sa kagandahan ng kanilang sarili at ang kanilang kakayahan.