FDA nanindigan na hindi makakakuha ng COVID-19 sa pagkain

  • Sinigurado ng  Food and Drug Administration (FDA) na hindi pa napatutunayan na ang COVID-19 ay maaaring makuha sa mga pagkain o food ingredients
  • Ipinagbawal ang pagpasok dito sa bansa ng mga poultry products mula sa Brazil matapos magpositibo sa COVID-19 ang mga chicken wings na nagmula sa China
  • Ang coronavirus, tulad ng ibang virus at bacteria, ay naglalaho sa mga maiinit na temperatura tulad ng pagluluto

Normal sa panahon ngayon na paghinalaan ang mga bagay-bagay na hindi sigurado kung saan nagmula. Ang mga online delivery nga na natatanggap ng maraming Pinoy ay kanilang munang i-disinfect bago buksan o hawakan upang makaiwas na rin sa COVID-19.

Imahe mula PNA

Ngunit hindi na lamang mga bagay ngayon ang dapat paghinalaan dahil matatandaan na noong nakaraang buwan ay nabalitang nagpositibo sa COVID-19 ang mga chicken wings na napadala sa Brazil mula China.

“Evidence of coronavirus was detected on a surface sample swiped from the wings during a screening of imported frozen food in Longgang district of Shenzhen,” ayon sa balitang inilabas ng Bloomberg.

Kaya naman agad na ipinagbawal ng Department of Agriculture (DA) ang pagpasok dito sa Pilipinas ng  imported poultry products mula Brazil. At kalakip nga ng patuloy na pagbabawal sa pagpasok ng mga poultry products mula Brazil ay nanindigan ang Food and Drug Administration FDA na wala pang napatunayang kaso ng COVID-19 transmission na nagmula sa pagkain.

Imahe mula PNA

Sa letter na binigay ni FDA director general Enrique Domingo para sa Philippine Association of Meat Processors Inc. (Pampi), sinabi niya na walang sapat na ebidensya na nagpapatunay na ang coronavirus ay maaaring makuha sa mga pagkain o food ingredients.

“Following the scientific pronouncement from the World Health Organization, the FDA would like to reiterate that currently, there is no evidence to support the transmission of COVID-19 virus from food or food ingredients,” ani Domingo.

Kamakailan ay humingi pahayag ang Pampi sa FDA ukol sa kung ang COVID-19 ba ay maaaring ma-transmit sa tao mula sa pagkain matapos ipagbawal ng DA ang pagpasok ng poultry products mula sa Brazil.

Public Domain Image

Base sa sinabi ng World Health Organization, ang coronavirus, tulad ng ibang mga virus at bacteria, ay maaaring mapuksa sa temperaturang tulad ng pagluluto bago kainin. Kaya naman binalaan din nila ang publiko na mag-ingat sa pagkain ng mga raw food.

“Generally, coronaviruses need a live human or animal host to multiply and survive,” dagdag pa ni Director General Domingo.