Manok na panabong ni Tatay, ibinarter para sa fried chicken

  • Tila hindi na nakatanggi ang isang ama matapos i-barter ng kanyang anak ang kanyang alaga
  • Kapalit ang 2 buckets ng fried chicken mula sa isang sikat na fast food chain ay agad na namaalam ang isang ama sa kanyang mga mahal na manok
  • Ang post na ito ay umani naman ng sari-saring reaksyon mula sa netizens

Likas na mapagmahal ang mga Pinoy hindi lamang sa kapwa kundi pati na rin sa mga hayop, kaya naman ang iba ay napagseselosan na ang mga alagang hayop ng kanilang magulang. Isa sa mga madalas na mapagselosan ay ang mg alagang manok ni Tatay.

Pero ngayong panahon ng pandemya, no choice talaga si Tatay kundi mag-goodbye sa kanilang mga alagang manok. Habang ang iba ay naiulam na, ang iba naman ay naging produkto na din para sa online selling, pero paano kung maglambing ang paboritop mong anak, makatatanggi ka ba?

Imahe mula sa Facebook| Brigada News FM Bicol

Ganito ang sinapit ng manok na panabong ng isang Tatay na naging solusyon sa cravings ng mahal na anak. Isang tandang ang ibinarter sa 2 buckets of fried chicken mula sa isang sikat na fast food chain.  Ang post na ito na ibinahagi sa social media ng News FM Bicol ay umani naman ng sari-saring opinyon mula sa mga netizens na ang iba ay nahihilig din sa pag-aalaga ng manok.

Kaya kayong mga sabungero pakabait kayo sa asawa ninyo baka maipalit ng chicken joy alaga nio,” pahayag ng isang netizen, samantalang may isa naman na naging interesado na makipag-barter sa babae sa viral post, “Ate, taga saan ka? order ako 3 buckets ng chicken joy papalet ng panabong na manok, Ate winning line ba manok nyo?

Imahe mula sa Facebook| Brigada News FM Bicol

Maituturing na malaking tulong ang paraang barter upang makuha ang ilang mga pangangailangan na hindi ginagamitan ng pera. Mas pinadali pa nga ito ngayon dahil sa social media na pwedeng i-access ng kahit na sino. Matatandaan na ang pamamaraaang ito ang gamit ng ating mga ninuno bago pa man naimbento ang pera, at nakatutuwang isipin na tila ba muling ipinaparanas sa kasalukuyan ang mga gawaing naging bahagi ng kasaysayan.