Delivery ng laptops, tablets, at pocket wifi para sa mga guro at estudyante, ilulunsad na ng tanggapan ni Mayor Isko Moreno

  • Inanunsyo ng Facebook page ni Manila City Mayor Isko Moreno na sa susunod na linggo na ang delivery ng mga gadget para sa mga guro at estudyante
  • Ang mga gadget na ito ay laptops, tablets, at pocket wifi na gagamitin para sa darating na blended distant learning
  • Ang pocket wifi ay para sa mga guro habang ang mga estudyante naman ay magkakaroon ng sim card na may 10GB monthly data allocation

Upang matulungan ang mga guro at estudyante sa Maynila para sa darating na blended distant learning sa new normal ng edukasyon, mamimigay ang Manila local government units ng mga gadget na magagamit ng mga guro at estudyante.

Imahe mula kay Christian Turingan/MPIO

Sa Facebook page ni Mayor Isko Moreno, inanunsyo na sa susunod na linggo na ang delivery ng laptops, tablets, at pocket wifi para sa mga batang Maynila at kanilang mga guro.

“Magsisimula na po ang delivery next week ng ating mga tablets at laptops para sa mga minamahal kong mga guro at estudyante bilang paghahanda para sa nalalapit na pagsisimula ng blended distant learning,” ang nakalagay sa Facebook post ni Mayor Isko.

Ang pocket wifi umano ay nakalaan para sa mga guro habang magkakaroon naman ng sim card ang mga estudyante na mayroong 10GB data allocation kada buwan upang magamit nila sa pag-access ng Internet.

Imahe mula kay Christian Turingan/MPIO

Bukod sa tulong ito para sa mga estudyante at guro, “ito ay tulong na rin natin sa mga magulang para maibsan ang kanilang hirap na mapaaral ang kanilang mga anak,” ani Manila mayor.

Manila LGU launches 34 free Wi-Fi digital kiosks ‘MNL Konek’ along España

Matatandaan na nitong unang linggo ng Agosto ay inilunsad ng Manila LGU ang 34 units ng MNL Konek Digital Kiosks na maghahatid ng mas magandang Internet connection para sa nasasakupan.

Imahe mula kay Mayor Isko Moreno Domagoso via Facebook page

Sa paglunsad ng MNL Konek ay dito sinabi ni Mayor Isko na bukod sa libreng Internet connection ay magkakaroon ng laptops at tablets ang mga estudyante at guro.

“Sama-sama nating kakaharapin itong tinatawag na blended distant learning. Hindi po namin kayo iiwan sa maliit naming kaparaanan at may awa ang Diyos, makakaraos din po tayo,” ang huling mensahe ng post.