Blogger ni-renovate ang kuwarto gamit ang mga bagay na kaniyang binili online

  • Sa kaniyang Facebook at blog website, ibinahagi ng isang netizen ang kaniyang mga pinagdaanan upang i-renovate ang kaniyang kuwarto
  • Noong una ay itinuturing lang niya bilang tulugan ang kaniyang kuwarto, ngunit dahil work from home na siya ay naisipan na niyang baguhin ito
  • Ibinahagi rin ng nasabing netizen kung saang online site niya binili ang mga bagay na ginamit sa pag-renovate at dekorasyon ng kaniyang kuwarto

Kailan ka huling naglinis ng iyong kuwarto? Nais mo rin bang magkaroon ng magandang interior design ng kuwarto na karaniwang nakikita mo online? Kayang-kaya mong mag-renovate ng iyong kuwarto sa murang halaga lamang!

Imahe mula kay Louie Denver via Facebook

Sa isang blog post at Facebook post na ibinahagi ng blogger na si Louie Denver, ipinakita niya ang before at after photos ng kaniyang newly renovated na kuwarto.

Pag-aamin ni Louie, magulo at maraming kalat ang loob ng kaniyang kuwarto. Ito ay dahil itinuturing niya lang ang kaniyang kuwarto bilang tulugan.

Ngunit nagbago ang lahat nang magkaroon ng community quarantine. “But now that I’m working at home, I need to have an organized environment that I can think and work efficient,” ani ng blogger sa kaniyang post.

Imahe mula kay Louie Denver via Facebook

Sa inspirasyon na rin ng Japanese organizing consultant na si Marie Kondo, gumawa ng paraan si Louie upang mabago ang kabuuang hitsura ng kaniyang kuwarto “For the past 3 weeks I spent my time and effort in this project, I have revamped my room and it felt good!”

At sadya nga namang may pinuntahan ang kaniyang mga paghihirap at pagod sa paglilinis dahil sa ganda ng kinalabasan ng kaniyang kuwarto.

Nagbigay din ang nasabing blogger ng ilang tips at kung saan niya binili ang mga gamit na kaniyang inilagay sa newly renovated niyang kuwarto.

Imahe mula kay Louie Denver via Facebook

“I changed my wall color into white, to make my room feel more spacious, and added some plants para yung vibes niya is not too plain,” ani Louie.

Dahil nauuso ngayong ang online shopping, karaniwan sa mga pang-dekorasyon, mula wallpaper at storage boxes, ay nabili ni Louie sa Shopee.

Ayon pa kay Louie, ipapakita rin niya ang part two ng kaniyang “Room Renovation” para naman sa naging hitsura ng kaniyang bed area.

Sadya nga namang nakai-inspire ang ganitong mga kuwento. Tara na’t maglinis at mag-online shopping!