Balik tanaw: Ano ang pinakauna at astig mong cellphone noon?

  • Sa isang Facebook post, nagbalik-tanaw at ibinahagi ng mga netizens ang mga nauna nilang ginamit na cellphone bago pa nauso ang smartphones
  • Karamihan sa mga cellphone na ito ay Nokia at mayroong matitibay na lalagyan at pang-malakasang battery
  • Nostalgic ang ganitong pagbabalik-tanaw dahil sa kasimplehan pa ng mga gadget noon

Bago pa man nauso ang pinakabagong feature ng mga smartphone ngayon tulad ng na foldable screen at face detection, pinagkakagastusan na ng mga Pinoy noong 1990’s ang backlight ng kanilang cellphone at ang casing ng mga ito.

Bago pa narating ng makabagong teknolohiya ang modernisasyon ngayon, nag-umpisa muna ito sa mga simpleng katangian tulad ng pagkakaroon ng maraming keypad ng cellphone.

Isa ang Nokia sa pinakaunang kompanya na naglabas ng cellphone units na para sa mga tao noon ay kamangha-mangha na ang mga features. Games tulad ng Snake at Space Impact, pagpapalit ng backlight, pag-compose ng ringtone, at pagpapalit ng wallpaper ang pinakasikat na katangian ng mga Nokia cellphone noon.

Imahe mula kay Michael Celis via Facebook

Ngunit bukod sa features, kilala rin ang Nokia sa iba’t ibang pisikal na anyo ng inilalabas nilang units. Mayroong iba’t ibang laki, dami ng keypad, kulay, at orientation ang mga Nokia cellphones noon.

Sa Facebook post ni Jay Delima sa public Facebook group na We are 90’s (Kami ang Batang 90’s), ibinahagi niya ang kaniyang pinakapaboritong Nokia phone noon.

Ang cellphone na ibinahagi ni Jay ay ang Nokia 5510 na inilabas noong 2001. Kakaiba ang hitsura nito kumpara sa ibang cellphone units dahil pahiga ito gamitin at may QWERTY keyboards sa magkaparehong gilid.

Imahe mula kay Jay Delima via Facebook

Maraming mga netizen ang nagbahagi rin ng mga lumang Nokia units na kanilang nagamit noon at magpahanggang ngayon ay naitago pa nila.

Karamihan sa mga ito ay Nokia units na mayroong iba’t ibang laki, haba, kulay, at features. Kuwento pa nga ng iba, iniiyakan nila ang mga bagong labas na Nokia units noon dahil gusto nilang mabili ang mga ito.

Imahe mula kay Paul Burce via Facebook

Sa pagdaan ng panahon ay ang pag-evolve na rin ng mga cellphone bilang smartphones na may high-tech features tulad ng high quality cameras, fingerprint detection, mas malaking memory capacity, at marami pang iba.

Ngunit paminsan-minsan ay masarap ding balikan ang mga alaala ng mga sinaunang bagay dahil naging parte rin ito ng ating nakaraan.

Ano-ano namang unit ang nagkaroon ka?