“We just get each other so much now”: Heart Evangelista at kaniyang ama, nagkaayos na makalipas ang maraming taon

  • Bilang selebrasyon ng Father’s Day, ibinahagi ng aktres na si Heart Evangelista ang kuwento tungkol sa naging away nila ng kaniyang ama
  • Kinuwento rin nila ang naging dahilan kung bakit hindi nakadalo ang mga magulang ni Heart sa kasal nila ni Chiz Escudero
  • Ngayon ay nagkaayos na ang mag-ama at mas matibay na rin ang kanilang relasyon bilang pamilya

Mayroon mang hindi pagkakaintindihan paminsan-minsan, hindi naman nagtatagal ang away ng mga magulang at kanilang anak dahil nananaig pa rin ang pagmamahalan sa pamilya.

Imahe mula kay Heart Evangelista via Instagram

Tiyak na kumpleto at masaya ang selebrasyon ng Father’s Day ngayong taon nina Heart Evangelista at ng kaniyang ama na si Rey Ongpauco dahil sa wakas, nagkabati na sila matapos ang mahabang panahong hindi pag-uusap.

Ang kuwento ng aktres at kaniyang ama ay kanilang ibinahagi sa isang online advertisement ng isang softdrinks brand para sa selebrasyon ng Father’s Day. Dito ay ibinahagi ng ama ni Heart ang dahilan kung bakit hindi siya nakadalo sa kasal ng anak sa dating senador at ngayon ay gobernador na ng Sorsogon na si Chiz Escudero.

“Ang pinag-aawayan namin, ‘yung boyfriend lagi eh. Noong una ayaw ko, hindi tuloy ako napunta sa kasal niya,” kuwento ni Rey. Dagdag pa niya, halos tatlong taon silang nag-away ng anak at hindi nag-usap.

Imahe mula kay Heart Evangelista via Instagram

Naging kontrobersyal ang hindi pagdalo ng mga magulang ni Heart sa kaniyang kasal kay Chiz noong 2015. Ang sabi ni Heart ay may blessing ang kanyang ama at ina upang ipakasal siya, ngunit hindi nila kayang makita siyang magpakasal dahil nais nilang manatili pa rin sa poder nila ang anak.

“Noong nag-away kami, I really felt a void in my life,” pag-amin ng aktres. “It was so hard for me because having a solid family really mattered to me so when I lost my family, I was lost as a person.”

Imahe mula kay Heart Evangelista via Instagram

Ngunit pagkatapos ang maraming taon ay nagkaayos din si Heart at ang kaniyang ama. “Pag matanda na kami, may pagka-sentimiyento kami. Naghahanap kami sa inyo, mga pagmamahal n’yo,” ang sabi ni Rey sa anak.

“We just started out like before, parang I was like a little girl again, we just get each other so much now,” dagdag pa ni Heart. “It’s really important that you spend time with your family, create lots and lots of memories kasi I guess we’re all just passing through this world. ”

True. So let’s not waste precious time.