House Bill, nais isulong ang anim na taong pagkakakulong at P100,000 na multa sa mga magka-cancel ng food delivery orders

  • Nagsampa si AKO Bicol Party-list Rep. Alfredo Garbin ng isang House Bill na tutulong sa mga food at grocery delivery riders
  • Ang House Bill 6958 o ang Food and Grocery Delivery Services Act ay naglalayong ipagbawal ang pagkakansela ng anumang transakyon ng food at grocery delivery providers
  • Ang sinumang lalabag sa kautusang ito ay maaaring pagmultahin ng malaking halaga o ‘di kaya ay anim na taong pagkakakulong

Marami na ang napabalitang delivery riders na nalulugi ng libo-libong pera dahil sa pagkakansela ng mga customer ng kanilang orders. Karamihan kasi ng mga food delivery service ay via cash on delivery 0 saka lamang binabayaran ng customer kapag naibigay na sa kanila.

Imahe mula PNA

Kaya naman isinulong ni AKO Bicol Party-list Rep. Alfredo Garbin ang pagsasampa ng House Bill 6958 o ang Food and Grocery Delivery Services Act. Layon ng batas na ito na maparusahan ang sino mang customer na magkakansela ng kanilang orders.

Nakasaad rito na hindi na maaaring magkansela ang isang customer ng anumang transakyon sa delivery service providers kung naabonohan na ng mga riders ang order at kung on-the-way na ang order sa customer.

Imahe mula PNA

Ang kopya ng House Bill na ito ay inilabas sa publiko kamakailan. Sa ilalim ng batas na ito, sinumang lalabag dito ay magbabayad ng karampatang multa o ‘di kaya ay maaaring makulong ng hanggang anim na taon. Kinakailangan ding magbayad ng mga violators ng ₱100,000 na multa at halaga ng mga inorder sa delivery rider.

Ang mga lalabag ay kinakailangan ding magbayad ng dobleng delivery fee para sa kanselasyon ng kanilang orders.

“This covers instances wherein customers order food and/or grocery items for the purpose of pranking or those who have no genuine intention of availing of the service which causes damage and undue duress to the Delivery Riders and their corresponding services,” ayon sa nakasaad sa House bill.

Imahe mula PNA

Ang tanging puwede lamang magkansela ng orders ay iyong mga gumamit ng credit cards, nagbayad sa service provider bilang pre-condition ng order cancellation, at kung nahuli ang delivery ng mga items ng halos isang oras dahil na rin sa kapabayaan ng rider.

Gayunpaman, “It can be lowered if the proper committee finds it too harsh. It’s still subject to amendment anyway,” ani Rep. Alfredo Garbin. Pero laganap kasi ang panloloko sa deliveries kaya this bill should serve as an announcement and sink into the consciousness na seryoso dito ang Congress,” dagdag pa niya.