UP experts, nakapansin ng “errors” sa COVID-19 patients data mula sa DOH

  • Napansin ng University of the Philippines COVID-19 Pandemic Response Team ang mali-mali, hindi magkakatugma at hindi pare-parehong impormasyon na nakalap ng Department of Health
  • Ang data na ito ay mula sa mga COVID-19 patients sa iba’t ibang barangay at munisipyo sa buong Pilipinas
  • Ayon sa UP, kahit umano mahirap ang pagkuha ng data, dapat ito ay tama upang matugunan ang mga prayoridad sa gitna ng COVID-19 pandemic

Naglabas ng policy note kamakailan ang University of the Philippines COVID-19 Pandemic Response Team na naglalaman ng mga nakita nilang “errors and discrepancies” sa datos ng Department of Health (DOH) tungkol sa mga pasyente ng COVID-19.

Imahe mula University of the Philippines via Facebook

Narito ang ilang mga pagkakamali, hindi magkakatugma, at hindi pare-parehong detalye na nakita ng UP sa data ng DOH: Una ay ang pagkakabago sa kasarian at edad ng ilang pasyente na naitala noong April 24 at April 25. 75 na pasyente ang tumanda o bumata ng halos deka-dekada, samantalang 45 naman ang nag-iba ang mga kasarian.

516 ang nabago ang residente o nalipat sa ibang lungsod o sa hindi talaga kilalang lugar. Mayroon ding naitalang sumakabilang-buhay na ngunit na-identify na buhay pa sa sumunod na araw.

Bukod pa rito, iba-iba rin ang pagkakalagay ng location data sa coding ng Philippine Geographic Code (PSGC). Ayon sa Philippine Statistics Authority, ang PSGC ay nagbibigay ng “uniform standards and classification systems in the generation of government statistics to ensure harmonization and comparability of statistics in the country and at the international level.”

Imahe mula University of the Philippines via Facebook

Ayon sa UP, ang maling coding na ito ay nagpapahirap sa pagkuha ng tamang data: “makes it difficult for automated systems of extracting and updating data from case information.” Maliliit man umano itong data, “they have significant implications on the reliability of our scientific analyses on COVID-19.”

We do recognize the difficulties in the collection of detailed and timely records of COVID-19 data on a nationwide scale. However, no matter how difficult, these problems need to be addressed at the soonest possible time and should be of top priority,” dagdag pa ng UP team.

Imahe mula University of the Philippines via Facebook

Gayunpaman, sinabi rin ng UP na bukas naman ang DOH sa mga feedback na kanilang inilabas at sinabing pagbubutihin at susuriin nilang mabuti ang mga error na nakita ng UP. “It is important to make sure that correct data is captured as swiftly as possible to minimize uploading of erroneous and anomalous, if not missing, data.”

Bisitahin ang link na ito upang mabasa ang buong policy note na inilabas ng UP:  https://www.up.edu.ph/prevailing-data-issues-in-the-time-of-covid-19-and-the-need-for-open-data/.