Unang family photo nina Nico Bolzico, Solenn Heussaff at baby Thylane, ibinahagi online

  • Apat na buwan pagkatapos isilang ni Solenn Heusaff ang anak nila ni Nico Bolzico na si Thylane Katana, opisyal nang ipinakita ng mag-asawa ang mukha ng kanilang anak
  • Unang nagbahagi ng litrato si Solenn kasama si Thylane sa kaniyang Instagram account
  • Sumunod naman si Nico Bolzico na nagpost ng litrato nilang buong pamilya

Marami sa showbiz industry na mga artista ang nakakapangasawa rin ng mga kapuwa artista. Dahil sa kasikatan ng kanilang mga magulang, pinakaaabangan din ng maraming Pinoy ang magiging anak ng mga mag-asawang artista.

Imahe mula kay Solenn Heussaff via Instagram

Sa panahon ngayon ng Internet at social media, maraming anak ng celebrities ang mas nakikilala online dahil sa mga ibinabahaging litrato at videos ng kanilang mga magulang. Ang mga anak kasi ng mga artista ay karaniwang manang-mana sa mukha ng kanilang mga magulang.

Ngunit kung ang ibang mga artista ay agad agad na ipinapakita ang litrato ng mga anak nila sa social media, naiiba ang mag-asawang sina Solenn Heussaff at Nico Bolzico. Maraming buwan bago nila ibinahagi ang larawan ng kanilang anak.

Imahe mula kay Solenn Heussaff via Instagram

Isinilang ng aktres at model na si Solenn Heussaff ang anak na si Thylane Katana noong nakaraang bagong taon, January 1, 2020. At mula panganganak ni Solenn hanggang sa pag-aalaga nila sa kanilang anak, lahat ng litrato at video ay ibinabahagi ni Nico Bolizico sa kaniyang Instagram account.

Isa umano ito sa mga patakaran ni Solenn matapos niyang isilang ang kanilang anak ni Nico para na rin maging pribado muna ang kanilang anak.

Imahe mula kay Nico Bolzico via Instagram

Ngunit apat na buwan ang nakalipas, ipinakita na rin sa unang pagkakataon ni Solenn ang mukha ni Thylane. Sa litrato nilang dalawa, biniro ni Solenn ang asawang si Nico na hindi nakasama sa litrato.

Pagkatapos ibahagi ni Solenn ang litrato nila ni Thylane ay nag-post din si Nico ng litrato nilang tatlo na maituturing na unang family photo nila sa Instagram.

Ayon pa kay Solenn, minsan lang umano siyang magbabahagi ng larawan ni Thylane, na tinawang niyang kanilang “happy pill,” online.