Mula sa 40 na positive COVID-19 cases sa Lapu-Lapu City, Cebu, 22 ang naka-recover na

  • Labindalawa mula sa 40 positive COVID-19 cases sa Lapu-Lapu City sa Cebu ang gumaling na mula sa virus
  • Dalawa sa pinakabagong naka-recover mula sa COVID-19 ay 65 anyos na lola at 45 anyos na lalaki
  • Sa ngayon, mahigpit pa rin ang lockdown sa ilang barangay sa Lapu-Lapu City habang ang ibang barangay naman ay natapos na sa 14-day quarantine

Hindi lingid sa kaalaman ng maraming Pinoy na hindi lang ang kumpirmadong positive COVID-19 cases dito sa bansa ang dumarami, kundi maski ang mga gumagaling o nakaka-recover sa nasabing virus ay nadaragdagan din araw-araw.

Imahe mula kay Lapu-Lapu City chief of Disaster Management and Risk Reduction Office Nagiel Bañacia

Sa ngayon, halos aabot na sa dalawang libo ang recovered COVID-19 cases dito sa bansa, habang nasa mahigit sampung libo naman ang confirmed cases, at nasa mahigit pitong daan ang hindi pinalad dahil sa virus.

Kahit wala pang mismong gamot o lunas sa COVID-19, kasalukuyang ginagamot ng mga frontliners ang lumabas na sintomas o nararamdaman ng mga naging positibo sa virus. Kaya palagi ring sinasabi ng mga eksperto na huwag mawalan ng pag-asa kahit naging positibo ang isang tao sa virus.

Imahe mula kay Lapu-Lapu City chief of Disaster Management and Risk Reduction Office Nagiel Bañacia

At tunay ngang malakas ang pananalig ng mga Pinoy sa Maykapal at ang kanilang pag-asang makababangon muli tayo sa pandemic na ito dahil sa dumaraming kuwento ng paggaling ng mga pasyente: sila man ay bata o matanda na.

Isa ang kuwento ng mga pasyente sa Lapu-Lapu City sa Cebu ang nagpapahiwatig na mayroong pag-asa para sa lahat. Sa 40 na positive COVID-19 cases kasi sa lugar, nasa 22 na ang gumagaling at nakare-recover.

Imahe mula kay Lapu-Lapu City chief of Disaster Management and Risk Reduction Office Nagiel Bañacia

Ayon sa ulat ng Facebook page na The Freeman, kamakailan ay dumagdag ang siyam na recovered COVID-19 patients sa mga napauwi na mula sa ARC Hospital sa Lapu-Lapu City. Dalawa sa pinakabagong recovered cases na ito ay 65 anyos na lola at 45 anyos na lalaki.

Ayon naman kay Lapu-Lapu City chief of Disaster Management and Risk Reduction Office na si Nagiel Bañacia, mahigpit nilang ipinatutupad ang lockdwon sa mga lugar sa Lapu-Lapu City habang 17 na pamilya ang natapos na sa 14-day quarantine.