Mactan-Cebu International Airport, naghahanda na para sa “new normal”

  • Pinaghahandaan na ngayon ng Mactan-Cebu International Airport ang pagpapatupad ng “new normal” sa alituntunin ng paliparan
  • Kabilang sa alituntunin ay ang mandatory na pagsusuot ng face mask ng mga pasahero at staff sa paliparan, pagsuri sa body temperature, at pagpapatupad ng social distancing
  • Ngayon ay suspendido muna lahat ng flights sa nasabing paliparan hanggang sa matapos ang enhanced community quarantine sa May 15

Bilang pag-iingat sa COVID-19 pandemic sa bansa, unti-unti nang nakakasanayan ng mga Pinoy ang pagsunod sa tinaguriang “new normal” sa lipunan. Ang “new normal” na ito ay ang mga alituntunin na susundin upang makaiwas at makaligtas ang lahat sa pagkalat ng coronavirus.

Imahe mula sa Mactan-International Airport via Facebook

Lahat ng pampublikong lugar at establisimiyento dito sa bansa ay pinaghahanda na para sa “new normal.” Isa na rito ang mga paliparan lalo na at hindi lang lokal na mga pasahero ang pumupunta rito kundi pati na rin ang mga dayuhan mula sa iba’t ibang bansa na maaaring may kaso rin ng COVID-19.

Isa ang Mactan-Cebu International Airport (MCIA) sa mga paliparan na naghahanda na sa alituntunin ng “new normal.” Ito ay para na rin sa kaligtasan ng mga pasahero at staff ng airport.

Ang mga alituntunin na ito ay alinsunod sa inilabas ng Department of Transportation (DoTr) para sa lahat ng paliparan sa buong Pilipinas. Kabilang sa mga alituntunin na ito ay: compulsory use of face masks, mandatory body temperature checks,  required social distancing of three to six feet in queuing points, one-seat-apart policy in waiting areas.

Imahe mula sa Mactan-International Airport via Facebook

Hand sanitizing and shoe disinfection for all passengers and employees prior to terminal entry, continuous disinfection of passenger areas and terminal facilities, at posting of health information materials and safety reminders in prominent areas of the terminals.

Naglagay na rin ang tinaguriang “World’s Frendliest Resort-Airport” ng mga markers na tatayuan ng mga pasahero upang maisagawa nang maayos ang social distancing sa loob ng paliparan. Ngayon ay suspendido muna lahat ng flight schedules sa nasabing paliparan hanggang sa matapos ang enhanced community quarantine sa darating na May 15.