Netizen ibinahagi ang natanggap na “social-awakening letter” mula sa kanyang kuya

  • Viral ngayon sa social media ang ibinahaging “social-awakening” letter ng isang netizen
  • Kuwento niya sa Twitter, ibinigay daw ito ng kanyang kuya noong ipinagdiwang niya ang kanyang 12th birthday
  • Laman din ng naturang liham ang iba’t ibang makabuluhang aral tungkol sa ating komunidad

Naaalala mo pa ba ang natanggap mong regalo noong ipinagdiwang mo ang iyong 12th birthday?

Marahil karamihan sa atin ay nakatanggap ng mga laruan, damit, pera, o pagkain. Ngunit kung hindi naman materyal na bagay ang niregalo sa ’yo, baka siguro ipinagdiwang mo ang iyong kaarawan sa pamamagitan ng panonood ng sine o kaya ay pagbisita sa mga tanyag na tourist spots kasama ang pamilya.

Imahe mula sa Twitter | @theusualbea

Gayunpaman, hindi maitatanggi na iba-iba talaga ang ating paraan pagdating sa pagdiriwang ng mga espesyal na okasyon. Halimbawa na lamang ang isang netizen na sa halip na mga laruan o damit, isang “social-awakening letter” daw ang kanyang natanggap mula sa kanyang kuya.

“Anong gift sa inyo nung 12 yrs old kayo? Pera? Laruan? Mine is a letter of social awakening from my brother,” kuwento ni Bea sa kanyang viral Twitter post.

Laman ng naturang liham ang iba’t ibang makabuluhang aral na dapat malaman ng mga kabataan ngayon. Kabilang na rito ang mahusay na paliwanag tungkol sa totoong estado o sitwasyon ng bansa. Dahil dito, pumukaw agad sa atensyon ng iba pang netizens ang post ni Bea.

Imahe mula sa Twitter | @Totoy_PagAsa

“Iyan ang regalo na hindi mo maikakahon (or for that matter, hindi mo maisosobre). Agree ako sa penultimate statement ng liham: the most valuable gifts are those that are best given than received. Maraming salamat sa pagpapaalala,” sabi ng Twitter user na si @Totoy_PagAsa.

Sa ngayon, umabot na sa mahigit 22,600 likes at 4,200 retweets ang post ni Bea. Nagpasalamat din ang dalaga dahil sa murang edad pa lamang ay minulat na raw siya ng kanyang pamilya tungkol sa mga ganitong bagay.

“Since I was in elementary, my brother would just come into my room and suddenly lecture me about Marx, Lenin, how shitty Aquino is, and other stuff. I’m lucky for my family to have a great influence on me and that they’re aware of these things. I really couldn’t ask for more,” pahayag ni Bea.