Andrea sa 21-hour video chat kay Seth: Target po talaga namin 24 hours kaso nag-hang ‘yong cellphone

  • Ngayong may enhanced community quarantine, sa video call lamang nakapag-uusap ang Kapamilya love team na SethDrea
  • Sa isang panayam, ibinahagi nina Andrea Brillantes at Seth Fedelin na umaabot sila ng 21 oras sa video chat
  • Bukas lamang daw ang video call anuman ang kanilang ginagawa; kahit naglalaro o natutulog

Sa gitna ng ipinatutupad na enhanced community quarantine (ECQ) laban sa COVID-19, may kanya-kanyang ginagawa ang mga tao para manatili ang komunikasyon nila sa kanilang mga pinahahalagahan. Para sa Kapamilya stars na sina Andrea Brillantes at Seth Fedelin, ito ang madalas na pag-uusap nila sa pamamagitan ng video chat – -na tumatagal pa minsan ng lampas 20 oras.

Image captured from ABS-CBN Entertainment’s video | YouTube

Sa recent episode ng Magandang Buhay, tinanong sa popular love team na SethDrea kung totoo ba na nag-uusap sila sa loob ng 21 hours ngayong may ECQ.

“Opo, sa video call po,” tugon ni Andrea. “So kahit natutulog po ganoon. Kasi dapat po talaga, iyong target po namin 24 hours po. ”

“Miss ko po kasi, Mommy Melai e, miss ko,” sabat naman ni Seth.

“Wow!” bulalas naman ni Andrea, sabay biro, “Kahit 21 hours nag-aaway pa rin. Joke.”

“Nag-uusap po kami tapos nariyan lang iyong phone. Tapos naglalaro lang po ako, ganiyan. Target po talaga namin 24 hours, kaso nag-hang po ‘yong cellphone namin, ‘di na kinaya. Kaya 21 hours na lang po, ganoon,” pagbabahagi ng young actress. “Nakailang try po kami roon. Nag-start po kami ng 10 hours, tapos 16 hours. Tapos sabi ko, ‘Try natin ‘yong 24 hours. Wala kasi kaming magawa.”

Gayunman, sa kabila ng madalas na pag-uusap, tinitiyak pa rin naman ng dalawa na mayroon pa rin silang panahon sa kani-kanilang pamilya. Ani Seth, ito rin daw kasi ang tamang oras para bumawi sa mga mahal nila sa buhay dahil madalas ay sobra silang abala sa gitna ng karaniwang araw.

Si Andrea, nakatutulong na raw ngayon sa gawaing bahay habang bumabawi raw si Seth para maka-bond ang pamilya.

“Sinasama niya rin po ako sa mga Bingo Bingo nila,” natatawang wika ng aktres.

Image captured from ABS-CBN Entertainment’s video | YouTube