‘The best gift ever to Pasig City’: Senator Ping Lacson, pinuri si Pasig City Mayor Vico Sotto

  • Pinuri ni Senator Ping Lacson ang pamumuno ni Pasig City Mayor Vico Sotto
  • Sa Twitter, nagpahayag ng paghanga kay Sotto ang respetadong mamamahayag na si Karen Davila matapos mabalitaan ang mga ginagawa ng alkalde sa kasagsagan ng enhanced community quarantine
  • Nag-reply sa tweet na ito ang senador at sinabing si Sotto ang “best gift” sa lungsod na pinamumunuan nito

“Best gift ever to Pasig City” — ito ang mga katagang ginamit ni Senator Ping Lacson para ipahayag ang paghanga niya kay Pasig City Mayor Vico Sotto na hinahangaan ngayon ng marami dahil sa mga hakbang na ginagawa nito para sa kanyang nasasakupan ngayong kasagsagan ng laban kontra COVID-19

Image capture from Twitter

Sa Twitter, nagpahayag ng paghanga kay Sotto ang respetadong mamamahayag na si Karen Davila.

Aniya, “Listening now to Pasig Mayor @VicoSotto on DZMM! Ang galing mo! Just started his mobile kitchen, allocated P100 million for food packs for their 30 barangays! Inspiring! This is a time for our LGUs (local government units) to shine.”

Nag-reply sa tweet na ito ang senador at ibinahagi ang kanyang palagay na maaaring maluklok sa mas mataas na posisyon ang alkalde at makatulong sa mas marami pang tao kung medyo matanda na ito.

Wika niya, “Sayang he is only 29 years old, not 39. If there is any consolation, he is the best gift ever to Pasig City.”

Sa social media, paulit-ulit ding napuri ang mga ginagawa ni Sotto para tulungan ang mga residente ng Pasig na ngayon ay apektado ng enhanced community quarantine na ipinatutupad sa buong Luzon sa gitna ng banta ng COVID-19.

“Thanks, Mayor. Sobrang blessed kaming mga taga-Pasig dahil ikaw ang mayor ngayong may ganitong sitwasyon,” wika ni Evelyn B. Pagayunan.

“Mayor, you’ve raised the bar so high for the other leaders that can’t even catch up to the minimum requirements of being a true public servant. I’m not from Pasig but would loved to be a Pasigueño. Napapahanga ako talaga sa ‘yo. You are born and destined to become a leader. Sulit na sulit ang pagboto nila sa ‘yo!” wika naman ni Jill Medina.

Image capture from Facebook