Tamang libot lang sa bahay: Netizen, gumala at nag-photo shoot sa kanilang bakuran

  • Sa ginawang enhanced community quarantine sa buong Luzon,mahigpit na pinagbawalan ang mga Pinoy na lumabas ng kanilang bahay
  • Kaya naman iba’t ibang libangan ang ginagawa ng mga Pinoy upang maibsan ang kanilang pagkainip sa loob ng bahay
  • Isang netizen ang lumibot sa kanilang bakuran at nagkaroon pa ng photoshoot na kinakatuwaan naman online

Dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng gobyerno ng enhanced community quarantine sa buong Luzon, maraming Pinoy ang nananatili na lamang sa loob ng kanilang tahanan para na rin sa kanilang proteksyon at kaligtasan.

Imahe mula Facebook

Kaya naman marami na ang sa social media na lamang itinutuon ang halos buong oras upang maibsan ang pagkainip sa loob ng kanilang tahanan. Mas tuloy nauuuso ang paggawa ng TikTok at tagging challenges upang kahit papaano ay malibang ang sarili.

Ngunit isang netizen ang may kakaibang trip dulot ng quarantine. Dahil hindi puwedeng lumabas, ang netizen na ito ay lumibot na lamang umano sa kanilang bakuran at nagkaroon pa ng mala-highend photoshoot na kinatutuwaan naman online.

Imahe mula kay Vince Scent Marie Marie via Facebook

Sa Facebook post ni Vince Scent Marie Marie, ibinahagi niya ang mga litrato na kinuhanan umano sa kanilang bakuran. Nilagyan ito ni Vince ng caption na: “It’s a blast! Enjoying my summer vacay 2020! Salamat Pres Duterte for giving me this kind of opportunity para malibot ko ang aming bakuran! Ang sarap gumala kukulangin ang 45 days quarantine!”

Ang post na ito ay mayroon nang halos 99,000 reactions na halos puro HAHA at 92,000 shares wala pang tatlong araw matapos itong i-post. Ang kada 20 na litratong in-upload ay mayroon mga nakakatuwang caption na hango sa mga tourist destination dito sa bansa.

Imahe mula kay Vince Scent Marie Marie via Facebook

Marami namang netizen ang natuwa at namangha sa lawak umano ng bakuran nina Vince: “Hahaha lawak naman ng backyard nyo,” “Napaka taba ng utak ang galing,” “Grabe yung effort! Full of laughs for this one!” “Pampa Good vibes thanks for these pictures.”

Magsilbing halimbawa sana ang mga litratong ito na maraming maaaring ibang gawin sa loob ng bahay upang hindi mainip dahil sa quarantine. Mahalaga rin na gawing makabuluhan at produktibo ang bawat araw na nailalagi natin sa loob ng tahanan at magkaroon ng bonding moment kasama ang pamilya.