Nalalapit na ang summer! Nasubukan mo na rin ba ang home-made melon juice?

  • Sa nalalapit na summer, tiyak na marami na naman ang magiging patok na pagkain para sa mainit na panahon
  • Isa nga sa mga nagiging patok sa Pinoy ay mga samalamig tulad ng sago’t gulaman, buko juice, at melon juice
  • Maraming netizen ang na-excite nang ibahagi ng isang uploader ang litrato ng home-made melon juice na patok na patok tuwing summer

Inaasahan na sa buwan ng Hunyo ang simula ng summer season o tag-init dito sa Pilipinas. At sa paparating na summer, maraming bagay ang inaabangan ng mga Pinoy.

Imahe mula Freepik

Bukod kasi sa walang pasok ang mga estudyante tuwing summer, patok rin sa mga Pinoy ang mga pagkaing masarap kainin sa mainit na panahon.

Ang ilan sa mga kilalang pagkain tuwing summer dito sa bansa ay ang halo halo, ice candy na may iba’t ibang flavors, at samalamig na gawa sa iba’t ibang prutas.

Isa nga sa mga uri ng samalamig na madaling gawin ay ang melon juice. Marami ngang netizens ang natatakam dito lalo na nang ang isang uploader ay nagbahagi ng litrato ng karaniwang melon juice na ginagawa tuwing summer.

Imahe mula Freepik

Sa Facebook page na Memories of Old Manila, ibinahagi ni Rommel Catabay ang litrato ng melon juice kung saan ito ay nakalagay sa isang tila stainless na sisidlan na may sandok at nilagyan pa ng buong ice.

Ang litratong ito ay nilagyan ni Rommel ng caption na: Summer na naman. Sarap na naman nito. Kaway kaway sa mga melon lovers!

Ito ay nakakuha na ng mahigit 7,000 reactions.

Imahe mula Facebook

Iba’t ibang positibong komento naman ang iniwan ng mga netizens sa comment section ng nasabing melon juice post.

Masarap yan ngayong summer lalo na kung malamig na malamig yang melon.”

“So refreshing! Paborito namin yan nung mga bata pa kami hanggang ngayon.”

Kayang-kayang gawin ng kahit na sino ang ganitong klaseng melon juice. Ang kailangan lang ay kayurin ang melon at ilagay ito sa isang lalagyan, haluan ng tubig at asukal hanggang sa makuha ang tamang tamis at timpla. Nilalagyan ito ng ice dahil mas masarap itong inumin kapag malamig na malamig. Iba talaga ang sarap!