Mensahe ni Nico Bolzico: Everything will be fine, we just need to stick together

  • Maraming mga personalidad sa panahon ngayon ang nagpapalaganap ng pagtulong at pagiging positibo
  • Isa si Nico Bolzico sa mga personalidad na nagbahagi ng positibong mensahe at nais makatulong sa mga nangangailangan
  • Ibinahagi ni Nico ang video ng kaniyang mag-ina na si Solenn at anak na si Thylane na may caption ng kaniyang mensahe

Ang pandemic na kinahaharap ngayon ng buong mundo ay nagdudulot ng iba’t ibang bagay sa ating lipunan: nakaaapekto rin ito sa ating nararamdaman at pag-iisip.

Imahe mula kay Nico Bolzico via Instagram

Kaya naman maraming mga kilalang personalidad at artista ang naghahatid ng pagtulong sa mga nangangailangan at nagpapalaganap ng pagiging positibo sa panahon ngayon.

At isa ang entrepreneur at social media personality na si Nico Bolzico sa maraming personalidad na handang tumulong sa mga kapus-palad at nagbahagi ng simple ngunit nakasisiglang mensahe na maaaring makatulong sa marami.

Sa kaniyang Instagram account, ibinahagi ni Nico ang video ng kaniyang asawa na si Solenn Heussaff habang karga-karga ang anak nila na si Thylane. Dahil hindi pa ipinapakita ng mag-asawa ang mukha ng anak sa social media, nakayakap lamang ito sa kaniyang ina.

Imahe mula kay Nico Bolzico via Instagram

Sa video ay mapapanood na kumakanta at umiindak si Solenn at anak sa kantang “Heal the World” ng namayapang si Michael Jackson. Sa maikling video na ito ay makikitang napaiyak si Solenn sa huling bahagi.

Nilagyan ni Nico ang video ng caption na: Everything will be fine! We just need to stick together, not physically (smiley face).

Hinikayat din ni Nico ang mga followers na magdonate sa www.unitentwestandph.com, isang online fundraising campaign na tumutulong sa bansa na magkaroon ng maraming isolation tents o quarantine tents.

Imahe mula kay Nico Bolzico via Instagram (I-click ang imahe upang mapanood ang video)

Ayon sa website ng campaign, mayroon nang mahigit P3.4 million ang naipong donasyon mula sa iba’t ibang tao. Ang mga naipong pera ay ipambibili ng tents para sa iba’t ibang hospital dito sa bansa.

Katulad ni Nico at marami pang mga personalidad, handa silang tumulong at gamitin ang mga social media platforms upang maghatid ng suporta sa iba’t ibang fundraising campaign para sa bansa sa paglaban sa COVID-19.

 

View this post on Instagram

 

Everything will be fine! We just need to stick together, not physically :). To Donate link in my bio ❤!

A post shared by Nico Bolzico (@nicobolzico) on