Joey: Huwag matakot sa corona, manalig sa koronang tinik at sa korona ni Maria

  • Isang makabuluhang mensahe ang ibinahagi ng komedyanteng si Joey De Leon sa kanyang followers
  • Sa Instagram, hinimok ni De Leon ang social media users na huwag matakot sa coronavirus (COVID-19) at sa halip ay mas patibayin pa ang pananalig
  • Nagdala ng inspirasyon sa marami ang sinabing ito ng comedian-host

Sa gitna ng banta ng COVID-19, hindi lamang pag-iingat ang dapat paigtingin — kung hindi maging ang pananalig na mayroong Diyos na pumo-protekta sa atin.

Image capture from Instagram

Ito ang laman ng makabuluhang mensahe na ibinahagi ng komedyanteng si Joey De Leon sa kanyang Instagram followers. Sa kanyang recent post, hinimok ng comedian-host ang social media users na huwag matakot sa coronavirus disease at sa halip ay mas patibayin pa ang pananalig nila.

“Sa gitna ngayon ng ating bagong problema, isang kasabihan inyo bang naalala? ‘Cleanliness is next to Godliness’ tanda n’yo pa? May duda pa ba kung hindi nagka-corona? Kaya wash your hands, h’wag matakot. Manalig ka sa KORONANG TINIK at KORONA NI MARIA! Isang pangsagip sa ating pagkakasala! Isa’y simbolo ng liwanag ng pag-asa!” saad niya sa caption ng litratong kanyang ini-upload sa popular photo sharing app.

Nagdala ng inspirasyon sa maraming social media users ang sinabing ito ng comedian-host.

As of posting, nakakuha na ito ng lampas 11,700 favorite at marami na rin ang nag-iwan ng mga kumentong nakapagpapatibay pa ng pananampalataya.

“Amen! Dahil sa ang koronang tinik ni Hesukristo ay parte ng pagliligtas Niya sa tao,” saad ng Instagram user na si @anastaciasalas.

“Mismo! Malalampasan din natin ito,” wika ni @hereisjpmnsn.

Sabi naman ni @buggy_erc, “Maging malinis ang kalooban at maging malinis sa panlabas, tiyak na tiyak na ikaw ay masasalba.”

Image via Joey De Leon | Instagram