‘Sablay’, pormal nang gagamitin sa graduation ceremony ng 44 pampublikong paaralan sa Pasig

  • Hindi na kailangang magsuot ng toga ang mga graduates ng 44 na pampublikong paaralan sa Pasig
  • Ito ay matapos i-anunsyo ni Pasig Mayor Vico Sotto na ‘sablay’ na ang magiging opisyal na graduation wear ng mga estudyante ngayong taon
  • Ang ‘sablay’ ay isang maluwag na wooden cloth na sinusukbit sa balikat na parang sash. Nauna na rin itong gamitin ng University of the Philippines simula pa noong 1990.

Hindi na kailangang magsuot ng toga ang mga mag-aaral na magtatapos sa 44 na pampublikong paaralan sa Pasig ngayong taon.

Imbes kasi na toga ang susuotin, inanunsyo ni Pasig Mayor Vico Sotto na ‘sablay’ na ang magiging official graduation wear ng mga bata.

Imahe mula sa PhilNews.PH

“Nag-usap na kami ng mga pampublikong paaralan dito sa Pasig at mula sa ‘toga’, du’n na rin kami sa ‘sablay’,” pahayag ni Sotto sa isang  tweet noong ika-20 ng Pebrero 2020.

Dahil dito, nauna na ng isang hakbang ang lokal na pamahalaan ng Pasig sa Department of Education na kasalukuyang pinag-aaralan din ang panukala na gamitin ang ‘sablay’ t’wing graduation sa mga paaralan.

Ang sablay ay isang maluwag at woven garment na isinusukbit sa balikat na parang isang sash o sari. Orihinal itong nagsimula sa mga ‘indigenous Filipinos’ na nakagawiang magsuot ng ganito t’wing may espesyal na okasyon. Ito rin ang isinusuot ng mga graduates ng University of the Philippines simula pa noong 1990.

Imahe mula sa Twitter | @VicoSotto

Dagdag pa ni Sotto, hindi hamak na mas may “tatak Pinoy” amg sablay kumpara sa toga kaya mas maganda kung ito na ang gagamitin sa graduation lalo na’t maaari pa itong i-uwi ng mga estudyante.

“Bukod sa mas Pilipino ito, pareho lang ang gagastusin ng LGU, pero maiuuwi nila ito pagkatapos ng graduation!” saad ni Sotto.

Nagpahayag naman ang netizens ng kani-kanilang saloobin tungkol dito. Ilan sa kanila ay sumang-ayon habang may iba namang hindi.

“During our Batch Pictorial for Graduation we have both SABLAY and TOGA, but for me it’s nice to use sablay for Graduation ceremony dahil lakas maka Filipino. Pwede na di na mag toga as long as maganda lang din yung Sablay,” komento ni Gabbyiola Angelo.

“I find the toga a lot more practical and cheaper. You need not have a graduation attire made, just simply borrow a toga and wear anything decent inside it. I graduated wearing a toga and never once have I felt any absence or lack of patriotism and nationalism,” sabi naman ni Chito Flojo.

Ikaw? Anong sa palagay mo? Sang-ayon ka bang gawing ‘sablay’ ang opisyal na suot t’wing graduation?