Kapag si mama ang may utang, ‘paid na lang’: Relate ka rin ba?

  • Isang listahan ng utang ang kinaaaliwan ng mga netizens dahil sa “paid na lang” na nakasulat sa utang ng ina
  • Tunghayan ang iba’t-ibang kuwento ng mga netizens kung naninigil ba sila sa utang ng ina o hindi

Karaniwan na ang pagkakaroon ng utang sa isang miyembro ng pamillya.  Ngunit naniningil ka ba lalo na kapag magulang mo ang nangutang?

Imahe via Tom Sawyer Memes | Facebook

Isang larawan mula sa Facebook page ng Tom Sawyer Memes ang kinaaaliwan ng mga netizens. Nakikita rito ang listahan ng utang ng bawat miyembre ng pamilya na nakasulat sa isang pahina ng notebook.  Nakalagay doon na nagbayad na sina ate, kuya at papa subalit pagdating kay mama na siyang may pinakamalaking utang na P450, nilagyan ito ng “paid na lang”.  Haha.  Iba talaga kapag si mama ang may utang dahil bayad na ito agad.

Malaki ang gastos ng mga magulang natin mula nang dumating tayo sa kanila.  Sa diaper pa lang at gatas, tiyak na libu-libo na ito at hindi pa kasali ang pagkain, baon sa eskuwelahan, matrikula at iba pa. Nariyan pa ang pagod ng pagpapalaki sa atin na hindi mapapantayan ng anumang halaga.

Naniningil din ba ang iba sa kanilang ina? Narito ang kuwento ng mga netizens.

“Ganitong-ganito ‘yon eh!  Tapos sasabihin sa’kin aside sa mga gatas noong baby pa’ko halos ‘di niya daw ako pinapadapuan ng lamok kaya ending AUTO PAID na.  Galeng!” Hahaha, Dahil sa laki ng utang na loob natin sa ina sa pag-alaga nila sa atin, hindi na naniningil ang anak na ito at baka maisumbat pa sa kanya ang hirap ng pagpapalaki ng anak.

Imahe via Jann Tipon | Facebook

Ngunit mayro’n talagang naniningil at may interest pa ang balik.  Sang-ayon naman ang magulang dito.

“Yong panganay ko nauutangan ko ng 500 balik 1k na.  Lakas magpatong.  Daig pa ang Bombay pero ok lang at least natuto siyang mag-ipon para may mahiram ako. Hehe”

Ang ganitong bagay ay depende na siguro sa inyong usapan subalit mas mainam na ibigay na lang natin ito bilang tulong sa panahon na kapos ang ating mga magulang.

Kayo? Naniningil ba kayo sa utang ng mga magulang ninyo?