Kapag gusto, may paraan: Lalaking may kapansanan, nakakapag-motor pa rin kahit walang mga paa

  • Marami nang nag-viral na litrato at video sa social media ng mga taong kahit may kapansanan o lugmok sa kahirapan, ay todo kayod pa rin sa buhay
  • Isang netizen ang bumilib sa isang lalaking kaniyang namataan at nakuhanan ng litrato habang nagmamaneho ng motor
  • Ang lalaki kasi ay walang mga paa, ngunit ang motor naman niya ay may tatlong gulong sa likod kaya’t nagagawa pa rin nitong magmaneho

Hindi maipagkakaila na maraming bagay ang maaaring makita, mabasa, at mapanood sa social media.

Imahe mula Freepik

Kaya naman madali na lang ngayon ang sumikat o maging viral sa social media tulad ng Facebook dahil sa dami ng maaaring mag-like, react, share, at comment sa isang post.

Bukod sa mga balita, mayroon ding mga artikulo, personal na karanasan, nakatutuwang video at litrato, at mga nakai-inspire na kuwento ang maaaring ibahagi at makita sa social media.

Mayroon mang mga posts ang may dalang hindi magandang mensahe, marami rin naman ang mga litrato o video sa social media na mayroong makabagbag damdaming kuwento.

Imahe mula kay Mark Napal via Facebook

Isa na dito ang namataang motor sa highway na nakuhanan ng litrato ng netizen na si Mark Napal. Sa dalawang litrato na ibinahagi ni Napal, sa una ay kapansin-pansin ang tatlong gulong ng motor na aakalain ng marami na “training wheel.”

Ngunit sa pangalawang litrato, makikita na ang lalaking nagmamaneho ng motor ay walang mga paa, at kaya pala may dalawang gulong sa gilid ng motor ay para suportahan ang lalaking may kapansanan.

Nilagyan ito ng caption ni Napal na: Salute ako sa yo paps, pinatunayan mo na hindi sa porma o sa bilis ng motor kung bakit gusto mong mag-raider.

Imahe mula kay Mark Napal via Facebook

Bukod sa may suot na helmet, mayroon ding suot na protective arms sleeves ang lalaking nagmamaneho ng motor. At ayon nga kay Napal, hindi rin mabilis ang pagpapatakbo nito lalo na at nasa highway.

Marami ring netizens ang bumilib sa naging kakayahan at diskarte ng lalaki. “Buti pa ‘to si paps ginamit yung utak kung pano makakapag maneho ng motor kahit PWD.”

Tandaan na hindi hadlang ang anumang kapansanan sa mga nais makamit at nais magawa. Ang mahalaga ay ang determinasyon, tapang, at paniniwala sa sarili na kayang-kaya mong matupad ang mga ninanais mo sa buhay.