“Jelly shoes”, muling sinariwa ng mga netizens

  • Nagbalik-tanaw ang mga netizens sa isa sa mga nausong fashion style noong 2000’s
  • Ito ang tinatawag na “jelly shoes” o mga sapatos na gawa sa plastik
  • Bukod sa puwedeng gawing pamporma, pumatok ito sa masa dahil sa mura nitong halaga

Muling sinariwa ng netizens ang “jelly shoes” na paborito nilang isuot noong 2000’s. Hango sa materyal na plastik, pumatok ito sa mga kabataan noong mga panahong iyon dahil bukod sa iba’t ibang kulay na puwedeng i-match sa’yong porma, makabibili ka ng isang pares nito sa murang halaga.

Imahe mula sa Carousell PH | @maxxxsky

Sa katunayan, nagkalat din ang “jelly shoes” sa mga malls, palengke, at bangketa kaya maganda ang naging ‘availability’ nito sa masa.

At dahil isa nga sa mga nausong fashion style noon, mabilis na nag-viral sa social media ang post kung saan itinampok ang larawan ng ganitong klaseng sapatos. Naging instant ‘throwback’ din ito sa mga 2000 kids noon na ngayon ay mga “grown up” na.

“2000s please log out. I’m talking to grown folk right now,” pahayag ng uploader na si Loux Artiste II sa caption.

Dagdag pa ng ibang netizens, hindi nila malilimutan ang pagsusuot ng “jelly shoes” dahil sa umano’y pagiging maalwan nito sa paa.

“Ui jelly shoe… sarap sa paa nito eh kaso noong hiniram sakin hindi na nakabalik. Meron pa kaya nito yung same nito?” saad ni Maricris Orolfo Azurin. “High school days! Ganyan sapatos tapos nag-oover the bakod, pinangtatakbo sa mga damuhan and puno makatakas lang sa guards,” pagsasariwa naman ni Lianna Yeddah.

Imahe mula sa Facebook | Maricris Orolfo Azurin

Gayunpaman, ilang netizens naman ang nagsabing hindi sila naging ‘fan’ ng pagsusuot ng “jelly shoes”.

“Ako lang ba yung never na nagsuot neto? Not a fan of it kasi. Feeling ko magpapawis paa ko kasi plastic hahahah init pa naman sa probinsya hahahaha huhuhuhuhu,” komento ni Dheniel Marie Antonette Runatay-Marquez.

Sa ngayon, pumalo na sa 36,370 ang shares ng post. Napuno na rin ang comments section ng mga “throwback memories” at tags ng netizens sa kani-kanilang mga kamag-anak at kaibigan.